237 total views
Nasasaad sa encyclical ni Pope John 23rd na MATER ET MAGISTRA on Christianity and Social Progress na walang halaga ang kaunlaran sa lipunan kung hindi binibigyang pagkilala ang dignidad ng bawat isa.
Nagpahayag naman ng papuri ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagsasabatas ng Safe Streets, Public Spaces and Workplace Act na kilala rin bilang ‘Bawal Bastos’ bill.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, makikibahagi ang komisyon upang matiyak ang maayos na implementasyon ng batas na naglalayong pangalagaan ang seguridad ang karapatan ng bawat mamamayan lalu na ang mga itinuring na mahihina sa lipunan.
Binigyang diin ni De Guia na dapat na ituring na hamon ng bawat isa ang batas upang pagsumikapang magkaroon ng kaayusan sa lipunan na nabibigyang paggalang at pagpapahalaga ang karapatan at dignidad ng bawat isa.
“The Commission on Human Rights lauds the passage of the Safe Streets, Public Spaces and Workplace Act, also known as the ‘Bawal Bastos’ bill. To achieve its purpose, the Commission looks forward to its meaningful implementation to ensure that the rights of vulnerable and disadvantaged are protected in every part of the country. The greater challenge to us all is to work on a society that is free from discrimination, a community safe to express one’s self, and a country with respect to everyone’s rights and dignity,” ang bahagi ng pahayag ni de Guia sa Radyo Veritas.
Naniniwala rin ang CHR na dahil sa pagsasabatas sa Bawal Bastos Bill ay magkakaroon na rin ng kapanatagan hindi lamang ang mga kababaihan kundi ang bawat mamamayan sa pagkakaroon ng seguridad mula sa iba’t ibang uri ng pambabastos hindi lamang sa mga lansangan kundi maging sa loob ng mga paaralan, tanggapan at iba pang lugar sa bansa.
“A national legislation further strengthens the commitment to curb gender-based sexual harassment in streets, schools, workplaces, and other similar places,” dagdag pa ni De Guia.
Sa ilalim ng panibagong batas, mahigpit na ipinagbabawal ang unwanted invitations, panunutsot, paninipol, pagmumura, pagtawag ng mga malalaswang salita, public masturbation, pagpapakita ng ari, panghihipo at iba pang verbal at physical na paraan ng pambabastos hindi lamang sa mga kababaihan kundi maging sa mga kasapi ng LGBTQIA+ community.
Pagkakakulong sa loob ng isa hanggang anim na buwan, multa na hanggang sa P10,000 at walong oras o higit pang community service ang parusang ipapataw sa mga mahuhuling lalabag sa batas.
Isasailalim rin ang mga mahuhuli at mapapatunayang lumabag sa batas sa gender sensitivity seminar.