156 total views
Tunay na nakasentro sa Mahal na Poong Hesus Nazareno ang debosyon ng mga deboto na nakilahok sa Traslacion.
Dahil dito, naniniwala si Radyo Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual, na magpapatuloy ang debosyon ng milyong-milyong deboto ng imahen.
“Maganda talaga dito nakita natin yung patuloy na tradisyon ng panata. yung personal vow ng ating kababayan sa Poon. Maganda kasi Christcentric ang focus no. Walang intermediary na tao, walang powerful, charismatic leader behind, napansin nyo? Walang Charismatic leader behind diretso sya, ang mga tao na namamanata diretso sa imahe sa ating Panginoon “Chriscentric”. Kaya sustained ang tradisyon no. Kapag sustained, hindi kagaya ng ibang may charismatic leader. Kaya kapag nawala na yang charismatic leader tendency non bumaba na. Hindi kagaya nito for so many hundred years, tuloy tuloy ang debosyon kasi Christcentric at tsaka naka tuon sa imahe. Yan ang nakita kong reflection dyan.” ayon pa sa pari.
Pahayag pa ni Fr. Pascual, nasasalamin sa Traslacion na tunay na naghihimala sa buhay at nakikiisa sa paghihirap ng tao ang Panginoon kaya’t patuloy ang mga deboto na nakikibahagi sa Traslacion.
“Pero syempre reflection natin dyan syempre ang poon ay talagang naghihimala sa buhay ng tao at nakikiisa sa pag hihirap nang tao.” Yung poon yung napansin nyo kahit sya nakapasan yung krus nakatuwid padin yung likod nya. Tuwid ang likod, parang pinapasan yung pag hihirap natin with dignity and solidarity kaya marami talagang nararamdaman yung naiibsan ang kanilang pag hihirap kapag sila ay kumakapit sa poon. Iba yung charismatic, charismatic spirituality, iba rin tong debosyon sa Poong Nazareno, merong difference e, napansin ko.” pahayag ni Fr. Pascual.
Ayon pa sa pari, nawa ay magpatuloy ang pagiging matagumpay at walang nagbubuwis ng buhay sa Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.
Labis din itong nagpapasalamat dahil generally peaceful ang makasaysayang okasyon o “zero casualty” bagamat may mga bahagyang nasugatan at nahimatay na hindi maiiwasan.
Napansin din ng pari na kapag malawak ang kalsada na dinaraanan ng Traslacion, hindi maiiwasan na marami ang nasasaktan dahil sa dito dumadagasa ang tao at nagpapabagal sa prusisyon kumpara sa mga malilit na kalsada.
“Well, basically at least wala akong narinig na namatay at buti nag text nga kami ni Msgr. Ding Coronel at yan “Zero Casualty”. Ipagdasal natin na maging matagumpay, magbunga, mabiyaya ang traslacion at walang mamatay. Pero yung sugatan nga syempre hindi maiiwasan itong maraming sugatan, nahimatay alam naman. Dahil nga, kasi dati alam mo a few years ago sumakay ako dyan e. Sumakay ako sa “Andas” at alam natin pag malaki yung kalsada bumabagal ang prusisyon kasi maraming tao. Baliktad, pag malapad ang kalsada mabagal. Kasi dumadagsa ang tao e. pag masikip ang kalsada, mabilis at nakita ko mukhang doon maraming naiipit na nasasaktan kapag maliliit ang kalsada at puro kalalakihan alam naman natin yan no.” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.
Sa Traslacion 2017, sa pagtaya ng Pulisya, nasa 2.5 milyon ang nakibahaging deboto na humihingi ng awa, gabay, pagpapala at nagpapasalamat sa biyayang natanggap.