Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Church based-cooperatives, hinamong pangunahan ang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 3,620 total views

Inaanyayahan ng Cooperative Development Authority ang mga miyembro ng mga kooperatiba, higit na ang mga church based cooperative na isulong ang pangangalaga sa kalikasan at food security.

Ito ay bilang pakikiisa National Cooperative Month ngayong buong buwan ng Oktubre na ginugunita sa temang “Cooperatives: Pioneering the Path to Recovery Amidst Modern Challenges of Climate Change and Food Security.”

Hinimok ni CDA Chairman Joseph Joy Encabo ang mga miyembro ng church based cooperatives na pangunahan ang pagsusulong ng pagkakaisa upang makamit ang mga layunin ng kooperatiba ngayong taon.

“Sa mga mga kasamahan ko po sa church based cooperatives sa buong bansa magtulungan po tayo at gawin po nating modelo ang ating kooperatiba upang ipagtuguyod at ipakita ang kahalagahan ng ating kalikasan, bigyang solusyon at mga mitigating measures and even mga rehabilitation programs ng ating environment para po ma-address natin at magiging pioneering institutions tayo sa pagbigay ng mga recovery plans, programs and activities para sa ating kalikasan at para sa buong mundo.” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Naniniwala si Encabo na sa pangangalaga sa kalikasan ay maisusulong ang katiyakan ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa buong Pilipinas.
Nilinaw ni Encabo na magkaakibat ang pangangalaga sa sa kalikasan at food security dahil naiiwasan ang pagkasira ng pananim at likas na yaman.

“It should be one on this, it should be united and let’s make sure that as we progress with our business, we should also give priority and importance to our environment and for our food security for the next generation so sa lahat po ng ating mga kababayan, mga naniniwala sa kooperatiba, mga kasama sa kooperatiba, lahat ng kooperatiba sa bansa, happy cooperative month.” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Chairman Encabo.

Iniulat ng C-D-A sa paglulunsad ng Cooperative Month na umaabot na sa dalawampung libo at isang daan ang kabuoang bilang ng mga kooperatiba na binubuo ng mahigit na 19-milyong miyembro sa bansa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 6,018 total views

 6,018 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 14,254 total views

 14,254 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 22,236 total views

 22,236 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 30,795 total views

 30,795 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 38,757 total views

 38,757 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »
12345

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

1

Latest Blogs

1