3,255 total views
Patuloy na inaanyayahan ng Radio Veritas ang koro ng mga parokya sa bansa na lumahok sa Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng himpilan.
Sinabi ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual mahalaga ang pakikiisa ng mga choir sa paglikha ng mga bagong awiting pansimbahan na magagamit sa Banal na Misa.
Alinsunod sa temang “Synodality: Fellowship, Participation and Mission” tutukan sa patimpalak ang apat na processional song sa Banal na Misa ang entrance, offertory, communion, at recessional songs.
12 finalists ang pipiliing isasama sa album production kung saan ito ay makatatanggap din ng cash prizes.
P300, 000 para sa first prize; P150, 000 sa second prize; P75, 000 sa third prize habang ang nalalabing finalists ay makatatanggap ng tig P10, 000 at plaque.
Umaasa si Fr. Pascual na makiisa ang mga Catholic composer at choir sa buong bansa upang makalilikha ng mga awiting makatutulong sa pagpapalalim ng pananampalataya ng mamamayan.
Pinalawig sa September 30, 2023 ang deadline ng pagsumite ng mga entries habang inaasahang sa November 22 ang pagtatanghal kasabay ng kapistahan ni Sta. Cecilia ang pintakasi ng mga musicians at composers.
Kabilang naman sa Board of Judges ng patimpalak sina Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr., – chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Social Communication; Fr. Carlo Magno Marcelo, Fr. Nilo Mangusad, Vehnee Saturno, Ferdinand Bautista, Julie Grace Namit, at Lara Maige.
Sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Renee Jose ng Religious Department ng Radio Veritas sa 0917-631-4589.