1,034 total views
March 28, 2020, 9:12AM
Nasaan ang SIMBAHAN?
Tuloy-tuloy ang Holy Trinity Parish sa Cainta sa kanilang “Feed the Unpaid project” o feeding program sa mga residenteng nasasakupan ng parokya na hindi pumapasok sa trabaho dahil sa enchanced community quarantine.
Bukas naman sa mga nangangailangan ang Caritas Nueva Segovia Health Care Center.
Pinangunahan naman ng mga Madre ng FLDP congregation ang pamamahagi ng tulong sa mga 20-barangay sa San Antonio, Ilagan City, Isabela.
Tiniyak naman ng Diocese of Paranaque ang tuloy-tuloy na gawain ng Simbahan tulad ng pagmimisa at pagbabasbas sa mga namatay.
Abala naman sa pamimigay ang Kura Paroko ng Santisimo Parish ng University of Sto. Tomas sa mga nasasakupan nitong parishioners.
Ang Diocese of Cubao ay nagbahay-bahay sa mga kanilang mga parishioners na nasa laylayan.
Look: photo ni Ronnie J. Santos