6,134 total views
Abala ang mga TVET scholar ng Don Bosco Mandaluyong sa “face shields” na panlaban sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa buong Pilipinas.
Tuloy-tuloy naman ang pamimigay ng relief goods ng Social Service Ministry ng Holy Family Parish sa Parang, Marikina sa mga residenteng apektado ng Enchanced Community Quarantine.
Nagbigay naman ang Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas-Ugnayan ng 1,000 gift certificates sa may 1,000 mahihirap na pamilya sa Baseco compound, Tondo, Manila.
Nagbahay-bahay din ang Caritas Manila sa Our Lady of Remedies Parish Market 3, Navotas.
Abala din ang volunteer sa repacking ng mga relief goods sa St. Raymund Penaport Parish sa Rizal, Cagayan.
“FEED THE UNPAID PROGRAM” of Holy Trinity Parish – Village East Cainta – rice was given yesterday to areas that most need them due to the stoppage of work caused by the pandemic.
Abala rin ang Caritas Nueva Segovia sa pagbibigya tulong sa mga apektado ng pinatutupad na enhance community quarantine