205 total views
Hindi karapat-dapat na italagang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR si dating Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Roy Cimatu.
Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action o CBCP-NASSA/Caritas Philippines executive secretary Father Edu Gariguez, isang neophyte sa environmental issues si Cimatu kumpara kay dating secretary Gina Lopez.
“Cimatu is a neophyte to environmental issues compare to Gina Lopez.”pahayag ni Father Gariguez
Iginiit ng pari na bagamat maaring may management capacity si Cimatu bilang opisyal ng AFP ay wala itong track record ng paninindigan sa social justice, environmental protection, IP rights at pro-poor development.
“He might have management capacity given his military career but he has no track record in terms of his stand on social justice, environmntal protection, IP rights, and pro-poor development.”diin ni Father Gariguez
Binigyan diin ni Father Gariguez na hindi kailangan ng bansa ang isang DENR secretary na “compromise choice” lamang para i-appease ang mining industry.
“We don’t need a DENR secretary who is a compromised choice to appease the mining industry.”.paliwanag ng pari
Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte si Cimatu na bagong kalihim ng DENR kapalit ni Lopez na hindi kinumpirma ng Commission on Appointment.
Nauna rito, tinawag ng mga lider ng Simbahang Katolika na pagtraydor sa Diyos at taongbayan ang pagbasura ng CA sa ad interim appointment ni Lopez.
read:http://www.veritas846.ph/pagreject-ng-ca-kay-lopez-pagtraydor-sa-diyos-taumbayan/