454 total views
Gabayan ang mga kabataan upang higit na mapalalim ang kamalayan sa kahalagahan ng demokrasya sa lipunan.
Ito ang mensahe ng Kanyang Kabanalan Francisco sa naganap na international democracy conference sa Vatican na may titulong “Educating for Democracy in a Fragmented World”.
Dinaluhan ang pagtitipon ng mga propesor mula sa iba’t-ibang unibersidad sa Pilipinas kabilang na ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas sa katauhan ni UST Research Center for Social Sciences and Education researcher Prof. Allan B. de Guzman, Ph.D.
“Feed young people’s thirst for democracy, teach young people that the common good is formed with love, and educate young people to live authority as service.” mensahe ni Pope Francis
Sa naganap na pagtitipon, ibinahagi ni Prof. De Guzman ang isang three team studies na isinagawa ng UST Local Antenna Team na binibigyang diin ang mahalagang papel ng mga guro sa pagsusulong ng civic engagement o aktibong pakikibahagi ng mga kabataan sa mga usaping panlipunan.
Nasasaad sa pag-aaral ang kahalagahan ng paggabay ng mga guro upang mahubog ang kamalayang panlipunan ng mga kabataan hindi lamang sa talakayan sa mga silid aralan kundi maging sa aktibong pakikisangkot sa mga nagaganap sa lipunan.
“Social studies teachers’ ability to integrate social problems and issues and civic engagement in students’ learning”; “Teachers’ knowledge of 21st-century democracy holds the key for their delivery of promoting civic engagement in classroom settings”; and “Teachers’ abilities to exercise practical-evaluative teaching methods and to contain their risk-taking behavior may help enrich school curricula’s integration of civic engagement by students.” ulat ni Prof. de Guzman
Bukod kay Prof. De Guzman, kabilang din sa mga nakibahagi sa international democracy conference sa Vatican bilang Philippine Local Antenna Coordinator sina RCSSED Director Prof. Belinda De Castro, Ph.D. at Assoc. Prof. Joel Adamos, Ed.D.
Ibinahagi ni Prof. De Guzman sa isang panayam sa Vatican News na nararapat hubugin ng mga guro ang mga kabataan hindi lamang sa pagiging eksperto sa larangan ng agham kundi sa pagbibigay solusyon sa mga problema at suliranin sa lipunan.
“We believe that schooling will lead to democracy, because we still believe in the power of education… We are not only looking at individual benefits of education, but we would like to see that the learners we are producing can respond to the problems and concerns of Philippine society,” ayon kay Prof. De Guzman.
Inorganisa ng Gravissimum Educationis Pontifical Foundation ang tatlong araw na international democracy conference sa Vatican na naganap sa Libera Università Maria Santissima Assunta (LUMSA) sa Roma noong ika-17 hanggang ika-19 ng Marso, 2022.