339 total views
Kapanalig, isa sa mga pinagmamalaki ng kasalukuyang pamahalaan ay ang mga windmills sa Ilocos. Ang windmills kapanalig, ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng renewable at clean energy. Ang clean energy, kapanalig, ay enerhiya na nagmumula sa renewable sources. Hindi ito nagbibigay ng polusyon at emisyon, at tumutulong pa na maging efficient ang energy supply.
Kung tunay ang commitment ng pamahalaan na ito sa mga clean energy gaya ng mga windmills, sana mapatunayan natin ito sa pamamagitan ng pagsulong at pagtaguyod ng renewable at clean energy sa buong bansa.
Hanggang ngayon kasi kapanalig, ang enerhiya natin, mahal na nga, hindi pa renewable at clean. Ang 44.5% ng ating power supply mix ay mula sa coal, habang 7.1% naman ay mula sa langis. Pareho itong non-renewable kapanalig, at pareho itong mahal at mapanganib sa ating kalikasan. Mapanganib ito lalo sa kalusugan ng mamamayan.
Ang coal ay nag-bubuga ng sulfur dioxide at nitrogen oxide. Pino-pollute ng mga ito ang ating hangin at nagdadala ng mga respiratory illness sa mga mamamayan. Nagbubuga din ito ng mg particulates. Maliban sa pagdadala ng dumi sa hangin, maaari ring pumasok ang mga particulates sa baga ng tao at magdulot ng mga sakit gaya ng lung cancer. Bumubuga din ito ng carbon dioxide, na siya namang nagdudulot ng climate change.
Kaya’t sana, tunay na isulong ng pamahalaan ang clean energy at hindi maging lip service lamang. Kailangan ng ating bansa ang renewable at clean energy – sustainable ito, makatao, at maka-kalikasan. Maliban dito, ang ating dependence sa coal at oil para sa enerhiya ay malaking pasanin na sa mga tao. Patuloy na tumataas ang presyo nito, lalo na ang langis. At patuloy tayong nag-e-export nito, kaya’t hindi natin kontrolado ang presyo. Ang halaga ng kuryente sa ating bayan ay isa sa pinakamahal sa Southeast Asia dahil dito.
Ang pagsusulong ng mga renewable sources of energy ay pagsusulong din ng energy security sa ating bansa. Ang mga teknolohiya gaya ng solar power ay maaari nating pag-ibayuhin dahil malaki ang potensyal nito na makapag-suplay ng enerhiya kahit pa sa mga geographically isolated and disadvantaged areas.
Noong June 11, 2018, mismong si Pope Francis ang nanawagan para sa mas mabilis na transisyon tungo sa clean energy. Sa ating bansa, angkop ang panawagan na ito ngayon, lalo’t pa nakakasakal na ang presyo ng enerhiya sa bansa, numinipis pa ang suplay kapag peak hours, at pataas pa ng pataas ang demand. Liban dito, sinisira din ng traditional sources of energy ang ating kalikasan at kalusugan.
Sumainyo ang Katotohanan.