195 total views
Sa pagtatapos ng halalan, magsisimula naman ang Diocese ng Tagbilaran at Talibon sa Bohol na linisin ang mga kalat na dulot ng 2019 midterm elections.
Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, magsasagawa sila ng clean-up drive kasama ang diyosesis ng Talibon na pinangungunahan naman ni Bishop Daniel Parcon upang matiyak na hindi mapupunta sa dagat ang mga campaign materials na maaring makaapekto sa kalikasan.
“This is our gift to the people of the Philippines to the country. Here in Bohol, together with Bishop Dan Parcon of the Diocese of Talibon-the other diocese here in Bohol. We are having this operation…cleaning-up of campaign tarps the day after the election,” ayon kay Bishop Uy.
Hinihikayat din ng Obispo ang mga residente ng Bohol maging ang mga lokal na pamahalaan na makiisa sa kanilang proyekto na maglinis ng mga kalat dulot ng eleksyon.
“We also try to engage the local government units to cooperate with us sa operation na ito. Hopefully there will be a good response from our people because we ask the Boholanos to become role models throughout the country after the elections we clear up the mess of this political exercise,” dagdag pa ng Obispo.
Dismayado rin ang Obispo sa dami ng campaign tarpaulins na magiging basura lamang.
Ipinapaalala ng Obispo sa mga residente na huwag sunugin lalu na ang mga plastic materials na makakaapekto sa ozone layer.
Nanawagan si Bishop Uy na i-recycle ito o itapon sa tamang basurahan.
“Sobra talaga ang daming campaign tarps and it’s very sad to see for these campaign tarps na maging garbage kasi these are plastic materials napakadelikado na mapunta sa ating mga rivers. Kaya I let people know how much damage it will cause us,” ayon pa sa Obispo.
Inihayag ng kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang encyclical para sa kalikasan na Laudato Si na kinakailangang magkakasamang nagtutulungan ang pamahalaan at ang mamamayan para sa pangangalaga sa kalikasan.