387 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang Clergy for the Moral Choice sa lahat ng aktibong nakibahagi sa naganap na 2022 National and Local Elections noong ika-9 ng Mayo, 2022.
Tinukoy ng grupo ang mga nagpahayag ng paninindigan para sa pagkakaroon ng pagbabago at katapatan sa bagong pamahalaan.
Inihayag ng Clergy for the Moral Choice na mahalagang kilalanin ang pagsusumikap ng lahat ng mga botante na makaboto sa kabila ng iba’t ibang sitwasyon na naganap noong araw ng halalan.
“The 2022 National and Local Elections are over, but the canvassing of votes, especially for the Presidential and Vice-Presidential positions, continue. While we await the final results, we, your pastors, express our admiration for the courage and patience of all the Filipinos who braved the summer heat and long lines of people in order to exercise their right to choose their political leaders,” pahayag ng Clergy for the Moral Choice.
Partikular ding nagpaabot ng pasasalamat ang grupo sa lahat ng mga guro gayundin sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at volunteers nito sa buong bansa.
“We also commend the brave and generous PPCRV volunteers who manned the polling places all over the country, sometimes extending even beyond the election day, to ensure the orderly and credible elections, and those who are at UST Command Center who are still tallying the results. We are likewise inspired by the patient public school teachers who acted as election officers and who faced the brunt of some restless voters waiting for their turn to vote,” pahayag ng Clergy for the Moral Choice.
Samantala, hinikayat naman ng Clergy for the Moral Choice ang bawat isa na patuloy na manalangin para sa resulta ng katatapos lamang na halalan gayundin para sa kapakanan at kinabukasan ng buong bansa.
Paliwanag ng grupo na binubuo ng ilang mga Obispo at Pari, mahalagang manatiling kalmado ang lahat at iwasan ang pagkakalat ng anumang mga mali at hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang anumang kaguluhan o hindi pagkakasundo
“We may not agree with the partial and unofficial results of the national elections. But we are urging the faithful to remain calm and to avoid spreading unverified information that will further exacerbate the tension. Please remain calm. We invite you to gather in prayer in your respective churches, chapels, schools and homes and ask the Lord that the true will of the people be manifested,” pagbabahagi ng Clergy for the Moral Choice.
Tiniyak naman ng Clergy for the Moral Choice ang pagtanggap sa anumang resulta ng halalan.
Ayon sa grupo, “when the time comes that the final, official and credible results of the elections come out but are contrary to what we worked for and expected, let us channel our energy and radical love to what will be best for the Philippines and the Filipino people.”