3,300 total views
Mariing nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Clergy for the Moral Choice para sa kalayaan ni former Senator Leila De Lima.
Sa Misang isinagawa sa Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine isang linggo bago ang ika-anim na taong anibersaryo ng pagkakakulong ni De Lima ay ibinahagi ni Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD ang nilalaman ng liham ng grupo para i-apela sa pangulo ang kalayaan ng dating senador.
Ayon sa Pari, ang pagkakaloob ng kalayaan kay De Lima na 6 na taon ng nakakulong sa kabila ng kawalan ng kongkretong batayan at ebidensya ay isang pagkakataon na isakatuparan ng pangulo ang plataporma na pagkakaisa para sa katarungan at kaayusan sa lipunan.
“Mr. President, you campaigned on the platform of unity and thus won over a majority of our people who believe in your peaceful message torn as they are by values issues that continue to divide our country in the years prior to your assumption of the presidency. In the interest of justice and fostering the unity that will strengthen our bonds as a nation we asked, we appeal, we fervently even pray that Senator De Lima ve released at the soonest possible time,” apela ng grupo na ibinahagi ni Fr. Villanueva.
Apela ng grupo na manaig ang pagiging patas, makatotohanan at makatarungan ni Pangulong Marcos Jr. na kanyang paulit-ulit na ibinabahagi sa kanyang mga talumpati.
Ipinaliwanag ni Fr. Villanueva na ang pangako na patas na katarungang para sa lahat ang pinanghahawakan ng mga nakikibahagi sa pananawagan ng kalayaan ni dating senator De Lima.
“Mr. President, we appeal. We appeal to your sense of fairness, truth and justice which you have repeatedly espouse in your speeches here and abroad, we appeal to you to free Senator Leila De Lima… As the newly elected President, you provided us the hope that justice will finally be done to former Senator Leila De Lima, now is the time to turn words into actions, we are waiting Mr. President and so is the whole world,” dagdag pa ng grupo.
Pinangunahan ni running priest Fr. Robert Reyes ang banal na misa katuwang ang iba pang mga pari na kasapi ng Clergy for the Moral Choice.
“EDSA SHRINE IS A SYMBOL OF OUR QUEST FOR JUSTICE”
Nagpahayag naman ng suporta at pakikiisa ang rector ng Archdiocesan Shrine of Mary, The Queen of Peace o EDSA Shrine sa layunin ng isinagawang ‘Mass for Former Senator Leila de Lima’s Freedom’ sa dambana.
Ayon kay Rev. Fr. Jerome Secillano, rector ng EDSA Shrine at executive secretary Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, naaangkop ang panawagan ng kalayaan para sa dating senador sa sinisimbolo ng dambana na pagkakaroon ng patas na katarungan at kalayaan.
Iginiit ni Fr. Secillano na ang EDSA Shrine ay hindi isang lugar dalanginan na matatagpuan sa makasaysayang lansangan ng EDSA sa halip ay isang paalala at hamon sa bawat isa para sa patuloy na paninindigan sa demokrasya, mabuting pamamahala, katarungang panlipunan at kapayapaan sa bansa.
Umaasa ang Pari na mabuksan ang kamalayaan at puso ng mga bumubuo sa judicial courts ng bansa upang manaig ang katarungan sa sitwasyon ni dating Senador De Lima.
“I am happy that we are having this activity in EDSA Shrine, EDSA Shrine is not just a place of worship, but EDSA Shrine is a symbol of our quest for justice in defense of the oppress and of course it’s also an advocacy for good governance, so as we gather to celebrate the mass let us pray together that our leaders especially those who are manning our judicial courts may have the enlightenment of the mind and heart so that our beloved Senator Leila de Lima may be freed in the spirit of justice,” pahayag ni Fr. Secillano.
Ika-24 ng Pebrero taong 2017 ng ikulong si de Lima dahil sa alegasyon ng pagkakasangkot sa iligal na droga.