236 total views
Nagpapasalamat at humingi ng panalangin si Fr. Gregory Gaston-rector ng Pontificio Colegio Filipino sa bagong tungkulin na iniatang sa kaniya ng simbahan.
Si Fr. Gaston ay itinalaga ng Italian Bishops Migrants Ministry bilang coordinator ng Overseas Filipino Workers (OFW) Pastoral Ministry sa Italya.
Ang Italya ay binubuo ng may 200 libong OFW’s na ang karamihan ay matatagpuan sa Roma at Milan.
Si Fr. Gaston ang humalili kay Fr. Paulino Bumanglag, SVD na nanungkulan sa loob ng siyam na taon.
Bago si Fr. Bumanglad, una na ring pinamunuan ni Bishop Ruperto Santos-ang dating rector ng Colegio Filipino ang OFW ministry hanggang taong 2010 matapos na italaga ng Santo Papa bilang obispo ng Balanga Bataan.
Kabilang sa mga tungkulin ng pastoral ministry ang pakikipag-ugnayan sa mga Filipino sa Italya lalu na sa kanilang pangangailangang espiritwal.
Dagdag pa ng pari, sa Roma umaabot sa 60 ang idiraos na misa kapag Linggo, habang ilang lugar naman sa Italya ang walang Filipino mass.
“Marami rin kasing lugar sa Italya marami ring Filipino na walang misa. Kaya maraming mga Filipino ang nawawala sa Italya kasi hindi naman nila maintindihan ang homily pag-Italian. Kaya sabi ko sa Roma magsakripisyo muna tayo. Pagbigyan naman natin ang ibang Filipino na walang misa pag-Sunday,” ayon kay Fr. Gaston.