3,257 total views
Nagpapasalamat ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga grupo, organisasyon at institusyon na nakibahagi sa 1st National Election Summit.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia mahalaga na ang mga stakeholder ng COMELEC na katuwang ng ahensya sa pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa pagsasagawa ng halalan sa bansa.
Pagbabahagi ni Garcia ang pakikisangkot ng stakeholders sa proseso ng halalan ay patunay na hindi kinakailangang maging kawani pamahalaan upang makapaglingkod sa kapwa at sa bayan.
Paliwanag ni Garcia, mahalaga ang pakikiisa ng lahat upang maisulong ang pagpapabuti at pagsasaayos ng halalan sa bansa para sa common good upang mangibabaw ang katapatan, pananagutan, kaayusan, at kapayapaan.
“That instead of wasted time in endless and pointless bickering, unity amidst differences is possible all for the common good, all for an improved election administration, founded on the highest degree of accountability, transparency, honesty, reliability and modernity,” ang bahagi ng pahayag ni Garcia.
Tema ng 3-day National Election Summit ang “Pagtutulungan sa Makabagong Halalan” na naglalayong magsilbing daan para sa mas malawak na ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa pagsasakatuparan ng mas maayos, malaya, mapayapa at matapat na halalan sa bansa.