154 total views
“Commendable at noble gesture.”
Ganito isinalarawan ni Lingayen-Dagupan archbishop emeritus Oscar Cruz ang July 25 SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa.
Ayon sa arsobispo, bagama’t mahaba ang pananalita ng Pangulo, ito ay diretso at madaling maunawaan maging ng mga ordinaryong mamamayan.
“Mahaba pero diretso siya magsalita. That is good madaling unawain, commendable and I like him for that, bilib ako. ‘Yung nasabi niya siyempre ambag yun ng mga kasma niya sa gabinete na sinabi sa kanya ito ang pwedeng pag ibayuhin at nasa kanyang kalooban yun kung tatanggapin niya kaya okey naman,” pahayag ni archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Pahayag pa ng arsobispo, maging ang nilalaman ng SONA lalo na ang agenda niya para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ay kapuri-puri bagama’t kinakailangan talaga ng tulong dito ng kanyang mga miyembro ng gabinete dahil hindi ito gamay ng Pangulo.
“Composite agenda for economic development. Kailangan ang mga cabinet members mahuhusay naman sila pagkat ang socio- economic development is not his line kaya aasa siya sa kanyang gabinete,” ayon pa sa arosbispo.
Ito ang kauna-unahang SONA ni President Duterte na pang-16 na Pangulo ng bansa na ayon sa record, isa sa pinaka-mahabang SONA sa kasaysayan na tumagal ng halos isa at kalahating oras.