622 total views
Pinagtutuunan ng pansin ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagiging bahagi sa lipunan ng mga migrants at refugee.
Ito ang sentro sa mensahe ng santo papa sa 108th World Day of Migrants and Refugees ngayong taon na ipagdiriwang ng simbahan sa September 25, 2022.
Tema ngayong taon ang “Building the Future with Migrants and Refugees” na layong bigyang halaga ang mga migranteng lumilikas sa kani-kanilang lugar dulot ng kahirapan, kagutuman at karahasan.
“It is highlighting the commitment that we are all called to share in building a future that embraces God’s plan, leaving no one behind,” bahagi ng pahayag ng Vatican.
Nangangahulugan itong kilalanin at isulong ang tungkulin ng mga migrante at regufees sa paglikha ng maayos na lipunan.
“The Message, featuring six sub-themes, will explore some essential components of how migrants and refugees are able to contribute – already now as well as in the future – to the social, economic, cultural, and spiritual growth of societies and ecclesial communities,” dagdag ng pahayag.
Kaugnay dito, ilulunsad ng Dicastery for Promoting Integral Human Development – Migrants and Refugees Section ang communication campaign simula sa Marso na layong higit na maunawaan ang paksa at mensahe sa pagdiriwang ngayong taon sa pamamagitan ng multimedia aids, informational material, and theological reflections.
Sa Pilipinas aktibo rin ang migrants’ ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pagsagawa ng mga programang kapaki-pakinabang sa mahigit 10-milyong OFWs sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Tiniyak din ng CBCP ang pakikipag-ugnayan sa mga migrante upang matiyak na mapangalagaan ang kanilang karapatan sa bawat bansang kinaroroonan.