158 total views
Nalulungkot ang isang eksperto ng batas sa nagaganap na pagdinig sa Kongreso kung saan nakasalang ang dating driver-body guard at lover ni senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan na may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay Fr. Ranhillo Aquino, Dean ng San Beda College Graduate School of Law, lumalabas sa pagdinig na personal ang atake ng mga mambabatas dahil pilit pinalulutang ang uri ng relasyon ng dalawang nabanggit na personalidad na wala namang kinalaman sa legislation.
Nalulungkot din si Fr. Aquino sa nagaganap na hearing dahil sa tila pagsasayang lamang ng oras ng Kongreso at salapi ng bayan ito na dapat ginagamit na lamang sa makabuluhang bagay at kapakinabangan ng mamamayan.
“Number one, ako’y nalulungkot, una many of the questions had to do with matters that should not have been brought out in public. Everybody is entitled to a measure of self respect so things having to do with personal relations that do not have anything to do naman with legislation dapat hindi na hinalungkat, nobody wants his private life expose in public, and I could not help the feeling that some legislators were actually enjoying this details na wala namang kinalaman sa legislation. Number wo, I am sad because in my own discernment Ronnie Dayan was not telling the complete story in so far as his connection with other suspected personalities in the drug trade is concerned and Number three, I’m sad because we have consumed a lot of legislative time on tele-dramas like this that could have been better use for other purposes,” pahayag ni Fr. Aquino sa panayam ng Radio Veritas.
Isa ang imbestigasyon kay de Lima sa mga kampanya ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga dahil sa sinasabing protector ito ng mga drug lord sa New Bilibid Prison.
Sa ulat ng Philippine National Police, sa kampanya simula nang manungkulan si Duterte, hanggang nitong November 16, 2016, nasa 784, 500 ang sumukong drug addicts at pushers, 1,884 ang napatay sa lehitimong operasyon ng pulisya habang nasa mahigit 3,000 ang kaso na ng extrajudicial killings.