18,764 total views
Itatalaga ng Diocese of Antipolo sa Panginoon ang Laguna de Bay bilang paghiling ng paggabay at kaligtasan sa bawat dumaraan sa lugar.
Ayon kay Bishop Ruperto Santos ito ay isasagawa sa August 5, 2024 bilang hakbang ng diyosesis laban sa mga trahedyang idudulot ng masamang panahon.
“As we consecrate the Laguna de bay, offering our prayers to God for safety as we enter the habagat season and La Niña, and also to commemorate the first anniversary of the Talim tragedy (July 27, 2023). This consecration is a moment of reflection, prayer, and unity for our community, seeking divine protection and blessings,” ayon kay Bishop Santos.
Magsisimula ang gawain sa alas otso ng umaga sa Banal na Misang isasagawa sa Diocesan Shrine and Parish of the Most Holy Rosary sa Cardona Rizal na dadaluhan ng mga parishioners, mga estudyante ng San Francisco Parish school at mga pari ng Vicariate of Sta. Ursula at St. Jerome.
Sa alas nuwebe ng umaga isasagawa ang prusisyon mula sa simbahan patunong Pritil ng Cardona na susundan ng Para-liturgy bago sumakay ng bangka ang mga pari at parishioners dala ang imahe ng Our Lady of the Holy Rosary.
Alas 10 ng umaga inaasahan ang pagdating ng grupo sa dalampasigang malapit sa Our Lady of Lourdes sa Talim Island habang 10:30 ay magtitipon sa Pritil ng Pilapila upang ipanalangin ang kapayapaan ng mga nasawing biktima ng Talim tragedy noong nakalipas na taon.
Alas 11 inaasahan ang pagdating sa Pritil of Binangonan kung saan magtitipon ang mga parishioners ng Sta. Ursula at estudyante ng Binangonan Catholic College para sa prusisyon patungong Binangonan Rizal kung saan isasagawa ang Rite of Consecration sa Laguna de Bay
“We invite all parishes and towns along Laguna de Bay to conduct a mini procession headed by their respective parish priests with your patron saint, going to the shore of the lake at 11:30 AM, so that we will all together pray the Prayer of Consecration,” ani Bishop Santos.
Matatandaang sa trahedya ng Talim sa Laguna de Bay 27 katao ang nasawi nang lumubog ang MB Aya Express na naglayag patungong Talim island.