230 total views
Ito ang naging pahayag ni Diocese of Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani kaugnay sa pinaplano ng Duterte administration na amyendahan ang Saligang Batas sa pamamaraan ng constitutional convention.
Sinabi ni Bishop Bacani na pabor ang Simbahan sa Constitutional Convetion o Con – Con na boses at pangangailangan mismo ng taumbayan sa makabagong panahon ang pinapaburan nito.
Nilinaw rin ng Obispo na ang tinututulan ng Simbahan ay ang Charter Change sa pamamagitan ng constitutional assembly na kontrolado lamang ng Kongreso.
“Sa Constitutional Convention hindi tumututol ang simbahan, open tayo sa isang constitutional convention ang kinalaban ng simbahan noon ay ang constitutional change through the congress mismo, sila mismo ang magdetermina ang maganda yan, meron na constitutional convention by elected representative o constitutional commission by better best by elected representative,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Veritas Patrol.
Ayon kay Bishop Bacani, mahalaga na isasagawa ang Con–Con kabilang ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan na silang magiging batayan sa magre – retipika ng konstitusyon.
“Kung merong ganyan na magiging representative ng mga tao hindi tayo tututol diyan sapagkat ang konstitusyon sabi nga ay isang buhay na dokumento yan hindi patay at dapat na i – akma sa pangangailangan ng panahon at kung may nakita na mga provision na hindi na nakakatulong o less helpful sa ngayon kinakailangan ng palitan na kahit na may constitutional means,” giit pa ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.
Kabilang sa mga probisyon sa konstitusyon na nais baguhin ng Duterte administration ay ang umiiral na 60-40 sa foreign ownership.
Pinapayagan nito ang mga dayuhan na magmay-ari ng 100 porsiyento ng negosyo sa bansa.
Ngunit, nilinaw na tutol ang susunod na pangulo na payagan ang mga dayuhan na magmay-ari ng mga lupa sa bansa.
Nabatid na batay sa 50 listahan ng mga mayayaman sa bansa na inilabas ng Forbes Magazine noong 2015 nangunguna pa rin sa ika – walong magkakasunod na taon si Henry Sy.