17,107 total views
Patuloy ang pagtutulungan ng Pilipinas at European Union sa mga programang makatutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Itatampok ng EU ang suporta sa Pilipinas sa pamamagitan ng Copernicus Programme sa paggunita ng Philippine Space Week mula August 9 hanggang 14 sa Gateway Mall ng Araneta City.
Suportado CoPhil ang Philippine Space Agency at Department of Science and Technology sa paglikha ng mirror site ng Copernicus ang earth observation program ng EU.
“First of its kind in Asia, the mirror site will receive and store images and weather data from the Copernicus satellite system—the Sentinels—in real time,” pahayag ng Eropean Union.
Ayon sa EU, magagamit ng mga Pilipinong eksperto ang makokolektang datos para pag-aralan ang kapaligiran, at mapaghandaan ang matitinding kalamidad tulad ng karanasan nang bansa sa pananalasa ng bagyong Carina at Habagat gayundin ang nangyaring oil spill sa Manila Bay.
Tema sa paggunita Philippine Space Week ang ‘#YamangKalawakan ay Likas sa Ating Bagong Pilipinas’ kung saan itatampok ang ambag at kapasidad ng teknolohiya para mapabuti ang katatagan ng bansa, makatulong sa paglago at mamamayang Pilipino.
Inoobserbahan ng Copernicus ang planeta at kapaligiran para sa kapakinabangan ng mamamayan sa buong mundo.
“Copernicus offers information services that draw from satellite and in situ Earth Observation data. Copernicus Services deliver near-real-time data on a global level which can also be used for local and regional needs, to help us better understand our planet and sustainably manage the environment we live in. Images and graphs from Copernicus’ #Sentinel satellites, allow public authorities to better prepare for natural disasters, variations in climate, and environmental changes—like forest cover and ground movement,” anila.
Ipinatupad ng European Space Agency ang CoPhil kung saan umabot sa 10 milyong Euro ang pondo o katumbas ng mahigit sa kalahating bilyong piso.