2,142 total views
Kinilala ng United Broilers Raisers Association (UBRA) ang Protein-Enriched Copra Meal (PECM) Commercialization Project ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Atty. Bong Inciong-Pangulo ng UBRA, makatutulong ang hakbang sa mga livestock raisers dahil mas mababa ang halaga na karaniwang aabot sa 18-piso ang kada kilo kumpara sa mga karaniwang animal feeds na gumagamit ng yellow corn, soybean meals at iba pang premium ingredients na nagkakahalaga ng 21 hanggang 68- piso ang kada kilo.
“Makakatulong ‘yan kung talagang may goal na yung kopra ay para sa feeds, makakatulong yan dahil unstable na ang sourcing ng raw materials ng feeds sa mundo, pamahal ng pamahal na,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Inciong.
Ayon pa kay Inciong, bukod sa mga livestocks raisers, matutulungan din ng proyekto ang mga copra farmers na magkaroon ng bagong pagkakakitaan.
Ang pahayag ng UBRA ay matapos aprubahan ng Department of Budget and Management ang 69-milyong pisong isinulong ng DA upang gamitim sa PECM Commercialization project.
Sa pamamagitan ng proyekto ay layuning isulong ng DA ang commercialization sa paggamit ng mga protein-enriched kopra meals bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng animal feeds upang matulungan ang mga Pilipinong nag-aalaga ng baboy at manok.
Bilang pakikiisa sa sektor una ng ipinanawagan ng Kanyang Kabanalang Francisco sa bawat pamahalaan na bigyan ng karagdagang tulong ang mga manggagawa sa agrikultura.