190 total views
Matitigil lamang ang laganap na kriminalidad sa lipunan kung tutukuyin ng pamahalaan ang tunay na ugat nito.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, korupsyon ang siyang tunay na nagdududlot ng kahirapan sa sambayanan at ugat ng mga krimen sa bansa.
Inihayag ng Obispo na maging ang pagbebenta ng ilegal na droga ay kahirapan ang tunay na dahilan na dapat na matugunan ng pamahalaan maging ng Simbahan.
Binigyang diin ni Bishop Santos na hindi tamang patayin ang mga kriminal dahil hindi lamang ang mga gumagawa ng krimen ang maituturing na kriminal dahil maging ang mga corrupt officials ay mas mahigit pa sa mga kriminal.
“Go to the roots of the crimes. Get rid of root causes of crimes. This is graft and corruption. Corrupt officials are also criminals, even worse.”pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sa survey ng Social Weather Stations, nanatiling 10-milyung pamilyang Filipino ang naghihirap sa bansa sa huling quarter ng taong 2016.
Sa pag-aaral naman ng Transparency International, nasa ikalimang puwesto ang Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa sa Southeast Asian Region.