192 total views
Nananatiling positibo sa buhay si San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza sa kabila ng pagiging positibo nito sa coronavirus disease.
Ayon kay Bishop Alminaza, ang bawat umaga ay pag-asang dapat ipagpasalamat sa Panginoon panibagong buhay.
“Thank you Lord for the new day – for the morning sun – for this fresh start in our life!,” bahagi ng mensahe ni Bishop Alminaza mula sa kanyang Facebook post.
Hinihiling naman ng Obispo na nawa’y kung paano niya ngayon natatanggap ang mga pagpapala mula sa Panginoon, gayundin nawa’y matanggap din ito ng mga taong mas higit na nangangailangan ng katarungan, kahabagan at kapayapaan sa buhay sa gitna ng krisis ng pandemya.
“May how I live well today become truly a blessing to those most in need of your justice, mercy and peace,” mensahe ni Bishop Alminaza.
Sa kasalukuyan, si Bishop Alminaza ay nasa strict home quarantine pa rin upang magpagaling matapos lumabas sa swab test result nito noong Hunyo 20 na ito’y nagpositibo sa COVID-19.
Patuloy namang hinihiling ng Obispo ang panalangin upang kanyang lubusang makamtan ang kagalingan laban sa virus.
Si Bishop Alminaza ngayon, ang ika-11 Obispo sa bansa na naitalang nagpositibo sa nakakahawang sakit.