362 total views
Bagama’t posibleng mananatili na ang COVID-19, naniniwala naman ang dalubhasa na maaari nang makapamuhay nang ‘normal’ ang mga tao sa oras na makamit ang ‘herd immunity’ ng pagpapabakuna.
Ito ang inihayag ng Dominican priest na si Fr. Nicanor Austriaco na isang molecular scientist sa panayam ng Radio Veritas.
Sinabi ng Pari na tulad ng ‘flu’ o trangkaso ang COVID-19 sa mga susunod na panahon ay magiging karaniwang virus na lamang na nakakahawa.
‘It’s becoming clear now (that) we will never be able to completely remove COVID-19. But just like flu, if enough people are vaccinated we would be able to live with it. It will become just as ordinary illness that some of us will get sometimes in our life,” ayon kay Fr. Austriaco.
Umaasa rin ang Pari na patuloy ang pagbabakuna sa bansa upang matiyak ang pagbagal ng pagkahawa lalu na ang Delta variant virus.
Ayon sa Pari sa kaso ng Delta variant, kinakailangang mabakunahan ang may 85 porsiyento ng populasyon o ang buong ‘adult population’ ng Pilipinas.
‘What would happen is that, enough vaccination will occur that the rate of spread of the disease specially of the Delta variant it will not become as explosive that will overtake our hospitals,” paliwanag pa ni Fr. Austrico.
Ilang mga parokya na rin ng bawat diyosesis sa buong bansa ang nagsisibling ‘vaccination centers’ upang tulungan ang pamahalaan sa mabilis na pagbibigay ng bakuna bilang pananggalang laban sa sakit.
Sa kasalukuyan ay nasa 12 porsiyento ng populasyon ang nakatanggap ng kumpletong bakuna o kabuuang 13 milyong katao mula sa kinakailangang higit sa 70 milyon bago matapos ang taon.