353 total views
October 3, 20202-11:10am
Ito ang binigyang diin ni Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB –Convenor ng Movement Against Tyranny at election watch-dog na Kontra Daya sa mungkahing ipagpaliban ang 2022 National and Local elections.
Paliwanag ng Madre, maraming mga pamamaraan na maaring suriin at pag-aralan ang Commission on Elections upang magamit na sistema sa 2022 National and Local elections tulad na lamang ng pagsusuri sa posibleng paggamit ng digital technology.
“I don’t think they should use this pandemic to defer the election hindi naman nila alam kung anong mangyayari sa 2022 diba, bakit ngayon na sinasabi na nila at saka I’m sure if may magagawa sila ngayon na nasa digital na tayo I cannot imagine that we cannot do an election in the same way, they just have ano siguro put the correct technical way to do it. I totally disagree [on the recommendation of postponing the 2022 elections] pero I expected that already,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam ng Radio Veritas.
Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na hindi ituloy ang halalan na paglabag din sa sinasaad ng saligang batas.
Ayon naman sa Legal Network for Truthful Elections (LENTE) bagamat maaring ipagliban ang halalan kung sapat na dahilan at maari lamang ipagpaliban hanggang sa huling araw ng Mayo taong 2022 upangt maiwasan ang constitutional crisis lalu’t magtatapos ang termino nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Bise-Presidente Leni Robrero sa ika-30 ng Hunyo taong 2022.
Sa pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pondo ng Commission on Elections para sa susunod na taon ay inirekomenda ni Deputy Majority Leader at Pampanga Representative Juan Miguel Arroyo sa COMELEC na ikonsidera ang pagpapaliban ng 2022 National and Local Elections dahil sa banta ng COVID-19.