281 total views
June 5, 2020, 1:35PM
Pagkapit sa pananampalataya at paglingap sa kapwang nagdurusa dulot ng pandemya.
Ito ang inaasahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na pagtugon sa kinakaharap na krisis ng sangkatauhan dahil sa patuloy na banta ng novel coronavirus.
“Lahat ng kahirapan lilipas din. Pero yung hindi tayo matakot, hindi naman ibig sabihin we become careless. In-fact we become more careful,”paalala ni Bishop Villarojo sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Radyo Veritas.
Hinimok ng Obispo ang lahat na huwag mangamba sa halip ay tumugon sa bawat pagsubok bilang kristiyano na mapagtatagumpayan ang sakuna sa tulong at gabay ng Panginoon.
“Because the proper response nitong sitwasyon na ito, is care-pagkalinga sa isa’t-isa na hindi tayo mahawaan at hindi tayo makahawa. And second, care-in the sense of sagipin ang mga naghihirap na nalagay sa sitwasyon na gipit dahil sa kalagayan natin ngayon and it requires self-giving,” dagdag pa ni Bishop Villarojo.
Iginiit ng obispo na dapat maunawaan ng bawat isa na ang pandemya ay matatapos din kalaunan.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa higit 20-libo ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas kung saan 984-katao na ang nasawi habang higit sa 15-libo kato ang nanatiling ginagamot.