505 total views
Inihayag ng arsobispo ng Ozamiz na dapat ipagpasalamat pa rin sa Diyos ang lahat ng biyayang natanggap ngayong 2020.
Ayon kay Archbishop Martin Jumoad sa kabila ng negatibong epekto ng corona virus pandemic ay nanatiling malakas at ligtas ang karamihan mula sa nakahahawang sakit.
“We are now on New Year; inspite of everything we are very grateful to the Lord because the Lord has never abandoned us,” pahayag ni Archbishop Jumoad.
Binigyang diin ng arsobispo na ang karanasan at hamong kinaharap sa pandemya ay paraan ng Diyos upang mas mapatatag ang pananampalataya at higit kumapit sa Panginoon.
Kasabay ng pagpasok ng bagong taon, ipinagdiriwang din ng simbahan ang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos at ang ika – 54 na World Day of Peace.
Hinimok ni Archbishop Jumoad ang bawat isa na parangalan ang mga ina ng tahanan na patuloy ang paggabay sa buong pamilya katuwang ng mga ama.
Sinabi ng arsobispo na ang kapistan
ay pahiwatig na dapat na maging masunurin at pahalagahan ng tao ang kani-kanilang mga ina.
“In celebrating the motherhood of Mary as if we are also celebrating mothers’ day. We have also to respect and value our mother,” dagdag ng arsobispo.
Paghikayat pa ni Archbishop Jumoad sa mananampalataya na hingin ang tulong sa Mahal na Birhen sa pagharap ng mga suliranin sa buhay dulot ng mga karanasan sa kasalukuyang panahon.
Paalala din nito sa bawat isa paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa pamilya at sa kapwa upang matamo ang kapayapaan sa lipunan.
Iginiit nitong kung may pagkakaisa ang mamamayan ay makamit ang kapayapaan lalo’t higit sa bawat tahanan.
Aniya, nawa’y isabuhay ng tao ang mensahe ni Pope Francis sa World Day of Peace na dapat pangalagaan ang bawat isa sa pamilya bilang daan sa mapayapang lipunan.
“We have to lift up our hearts so that there will really peace in the family; caring each other in the family is one way of celebrating peace in the society,” ani Archbishop Jumoad.