361 total views
August 14, 2020
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Youth sa mga kabataan na mas maging aktibo sa pakikibahagi sa mga usapin at pangyayari sa lipunan lalo na sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa pandemya.
Ayon sa chairman ng kumisyon Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, ang sitwasyon ng bansa mula sa COVID-19 pandemic ay nananawagan sa aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa lipunan.
Sinabi ng Obispo na dahil sa limitasyon ng mga nakatatanda dulot ng pagiging pinakalantad sa sakit ay mas kinakailangan ang aktibong partisipasyon ng mga kabataan hindi lamang sa tahanan, komunidad kundi maging sa Simbahan.
Nanindigan si Bishop Alarcon na nakasalalay sa kamay ng mga kabataan ang pagkakaroon ng pagbabago, kaayusan at kaunlaran sa bayan lalo na sa kasalukuyang sitwasyon dulot ng pandemya.
“We at ECY (CBCP – Episcopal Commission on Youth) join the call for young people to be engage, to resist in difference, to go beyond one self, to be engage in the barangay and the community. The COVID-19 pandemic situation calls upon the young because the elderly are restricted in their homes and so are the small children, the young the youth are called to be actors in the community, society and the church thus we can say the ball is in the hands of the young people…”pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.
Nagpahayag rin ng suporta at pagsang-ayon ang Obispo kaugnay sa naging tema ng United Nations sa paggunita ng International Youth Day 2020 na “Youth Engagement for Global Action”.
Binigyang diin ng Obispo ang kalagahan ng aktibong pakikipag-ugnayan at pakikisangkot ng kabataan para sa pangkabuuang kapakanan ng daigdig.
Ayon kay Bishop Alarcon, dapat gawing misyon ng mga kabataan ang paghikayat na maging misyunero o tagapaghatid ng Mabuting Balita ang kapwa kabataan para sa kabutihan ng marami.
“We need more young people so I call on our young people to make a difference. Three things start from your circle of influence rather than ranting about many things outside your influence. Pangalawa, be missionary disciples we need young missionaries Pope Francis calls for missionary disciples and then connect with like-minded young people in this age of networking let us work together, let us bond together also for a socio-political transformation…”dagdag pahayag ng Obispo
Unang binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na sa tulong ng katapangan, kakayahan at kaalamang taglay ng mga kabataan ay mas mabibigyang pag-asa ang kasalukuyang lagay ng lipunan.