218 total views
Ikinalungkot ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang pangmamaliit ni Philippine Special Envoy to China Ramon Tulfo sa mga Filipinong construction workers.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, hinahangaan ng mga dayuhang employer ang mga Filipino sa ibayong dagat sapagkat may tunay na malasakit at dedikasyon ito sa bawat ginagampanang trabaho.
“It is so sad that it is our fellow Filipinos criticizing our OFWs whereas foreign employers believe and has high regards with our OFWs,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Iginiit ni Bishop Santos na maging siya ay personal na nasaksihan ang kasipagan ng mga Filipino sa ibang bansa sa kaniyang paglilingkod sa Italya ng sampung taon at pangangalaga sa mga migranteng Filipino sa iba’t-ibang dako ng daigdig.
“I can say and attest that our OFWs are most sought, preferred laborers. With it comes with works, they are very efficient and dependent with their works, has initiatives and creative,” dagdag pa ng Obispo.
Inihayag ni Tulfo na tunay na tamad ang mga Filipinong construction workers kumpara sa mga Tsinong manggagawa at mas inuuna ang pagpapahinga at pagsasayang ng oras sa trabaho.
Naninindigan si Bishop Santos sa kakayahan ng mga Filipinong manggagawa partikular na ang mga O-F-W kung saan ipinapamalas ang kanilang talento at talino at nagsusumikap para sa ikabubuti ng kabuhayan ng pamilya sa Pilipinas.
“We, CBCP ECMI, believe so much on the capacity and ability of our OFWs. They are very good, very skilled,” saad pa ni Bishop Santos.
Binatikos naman ng Associated Labor Union – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Allan Tanjusay ang pangmamaliit ni Tulfo sa kakayahan ng mga Filipino.
Read: Kahusayan at kasipagan ng mga manggagawang Filipino, walang katulad
Umaasa si Bishop Santos na alisin nawa ng mga Filipino ang pagiging ‘crab mentality’ na hindi makatulong sa pag-unlad at pagsulong sa kabuhayan ng mamamayan at paglago ng ekonomiya ng bansa.
“Let us place our faith in them, give them chance with works as to prioritize them over all others and surely they will show their true worth,” ayon pa ni Bishop Santos.