341 total views
Malaki na ang impluwensiya ng mga westerner at ng ibang tradisyon sa paniniwala ng mga Kristiyano sa usapin ng pangangalaga sa labi ng namayapa nating mahal sa buhay.
Ito ang paliwanag ni Laoag Ilocos Norte Bishop Renato Mayugba kaya’t nagpalabas muli ng bagong guidelines ang Vatican’s doctrinal office hinggil sa tamang gawin sa katawan ng mga yumao at dahil na rin sa dumarami na ang kaso ng cremation sa halip na ilibing ang mga pumanaw.
Ayon sa obispo, pinayagan na ngayon ang cremation ng Simbahan subalit hindi ang pagsasaboy ng abo ng labi o ang paglalagak dito sa tahanan dahil ang ating katawan ay sagrado at ito ay pag-aari na ng Simbahan.
“Kaya nga lumabas precisely yung dokumento dahil nagiging laganap na ang practice. Kung pag-aaralan mo yung practice for practical reason, ang Simbahan di naman kumokontra sa practical reasons ang kontra lang yung ginagawa mo yun dahil di ka naniniwala sa resurrection, ang point ang burial of the dead nakatuon yan sa pananampalaya na according to what we believe in the creed, I believed in the resurrection of the dead, the proper practice kasi kaugalian, Christian tradition was burial talaga. Yung cremation lumabas yan kasi nagiging uso na yung abo inihahagis sa dagat o kahit saan o inilalagay sa bahay, naku hindi-hindi dapat gawin yun kasi sacred remains pa rin yun, kaya nga tayo nagdarasal hindi lang tuwing undas na magkaroon sana ng kapayapaaan ang mga namayapa like prayer for peace sa mga namayapa, merun din dapat place for they could be kept in peace, kaya tawag sa sementryo kampo santo,” ayon kay Bishop Mayugba sa panayam ng Radyo Veritas.
Sinabi ni Bishop Mayugba na sa tradisyon ng mga Kristiyano at sa turo sa ating pananampalataya, gawin ang cremation ng may paniniwala sa “Resurrection” o pagkabuhay na muli.
“Malinaw naman po sa ating itinuturo tungkol diyan, napapauso na kasi bagamat ang Simbahan pinapayagan itong cremation pero alamin natin ang tunay na warning nito kung minsan nakakalimutan natin ang kahalagahan ng katawan ng tao, the sanctity of the human body as a temple of the holy spirit, yung ating pananampalataya one of the principal teaching is yung naniniwala tayo sa resurrection muling magkakaroon ng bagong buhay of course the body that we will have of the resurrection is a different body, the same and yet different kung tawagin,” Ayon kay bishop Mayugba sa panayam ng Radyo Veritas.
Nilinaw din ng obispo na bagamat pumapayag ang Simbahan sa cremation, dapat itong gawin na may paniniwala sa pagkabuhay na muli at ilagak ang abo sa isang banal na lugar bilang paggalang sa namayapa.
“Pumapayag din ang Simbahan with a caution sa cremation, wag mo lang gawin na hindi ka naniniwala sa resurrection, second pag nag cremate ka kailangan yung due respect for the body which is to be buried in a holy place to be kept in a holy place,” ayon pa sa obispo.
Ang Japan ang sinasabing may pinakamataas na kaso ng cremation na nasa 95 porsiyento habang pinaka-kaunti ang Italy at Poland na nasa kulang 10 porsiyento.