167 total views
Tunay na kinakailangang magtulungan ang Simbahan at pamahalaan sa ikabubuti ng buong sambayanang Filipino.
Ito ang napatunayan ni Father Bobby Dela Cruz mula sa Restorative Justice Ministry ng Caritas Manila.
Tiniyak ni Father Dela Cruz na malaki ang magagawa ng Simbahan sa paghubog ng moralidad ng mamamayang Filipino habang ang gobyerno ay malaking resources para sa pagbibigay ng serbisyo.
“Kailangan talaga nating makipag-ugnayan sa gobyerno para magkaroon ng kapayapaan at kaayusan ang ating bayan. Mayroon din tayong malaking magagawa para sa mga tao na hindi magagawa ng gobyerno at ito yung paghubog sa tao, yung esperitwal aspect”.pahayag ng pari sa Radio Veritas
Itinuturing ng pari na magandang pagkakataon ang kanyang pagdalo sa pagtitipon ng Duterte supporters sa Quirino grandstand at pangunahan ang pananalangin kung saan naiparating niya ang mensahe na tanging ang kultura ng kamatayan gayundin ang death penalty ang tinututulan ng Simbahan.
Naipaliwanag din niya na kaisa ng pamahalaan ang Simbahan sa paglaban sa katiwalian, kahirapan at paglaganap ng illegal na droga.
Aminado din si Father dela Cruz na kailangan ng pagbabago sa pamahalaan, sa Simbahan at maging sinong tao.(Riza Mendoza)