297 total views
May 29, 2020, 12:30PM
Mahalagang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga pangunahing pundasyon ng pananampalatayang Katoliko bago makipagdayalogo at isulong ang ekumenismo.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa patuloy na paggunita sa tema ng paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.
Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga sa pagsusulong ng ekumenismo at dayalogo sa pagitan ng mga relihiyon ay mayroong malinaw na pag-unawa ang mga nagsusulong nito sa pananampalatayang Katoliko sapagkat maaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan at higit pang pagkakabuklod-buklod.
“It is very important that when we enter in to dialogue or strive for Ecumenism or Christian unity we should know our basic belief in the Catholic Church kasi kapag hindi natin alam baka magiging source pa yun ng division among us…” pagninilay ni Bishop Bagaforo sa kanyang misa sa Poor Clare Monastery.
Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na siya ring chairman ng CBCP NASSA / CARITAS Philippines na may apat na haligi ang pananampalatayang Katoliko na dapat na lubos na maunawaan ng bawat isa ang C, S, M, P na nangangahulugan ng Creed, Sacraments, Morality at Prayer.
Inihayag ng Obispo na nasasaad sa Creed o Kredo na buod ng saligang katotohanan ng pananampalatayang Katoliko na nahahati sa 12-artikulo na naaayon sa bilang ng 12 mga apostol na nagpapahayag na ang Panginoon ang siyang may tagapaglikha ng langit at lupa at tagapagligtas ng sanlibutan.
Ikalawa ang paniniwala sa 7 mga sakramento na daluyan ng biyaya ng Panginoon; ikatlo ang pamumuhay ng naayon sa moralidad na nasasaad sa 10-utos ng Diyos at ang huli ay ang Pananalangin na pagkakaroon ng personal na relasyon sa pagitan ng Panginoon.
“There are four pillars of our Catholic belief, very easy to memorize its C-S-M-P yun ang four pillars of our of our Catholic faith yun ang ating pinanghahawakan at yun ang tinatawag nating core belief ng ating pananampalataya C-S-M-P, Creed – Sacraments – Morality – Prayer…” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.
Samantala, ibinahagi rin ng Obispo na ang tema ng paghahanda ngayong taon para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People ay hango rin sa 2nd Vatican Council na nagsusulong sa ekumenismo at pakikipagkaisa sa pagitan ng mga relihiyon na matagal ng hinahangad ng Simbahang Katolika.
“With the coming of the Vatican II Council this desire for Christian unity was again given more emphasis with the focus of the declaration on the importance of Ecumenism, tayo dito sa Pilipinas ngayong taon year 2020 in line with our celebration of the 500 Years of Christianity for our 9 year preparation we are now on our last year of preparation before the final one which will be next year our theme of our liturgical celebration is focus on that on Ecumenism our efforts on Inter-religious Dialogue and Ecumenism there is always that desire for unity…”pahayag ng Obispo.