131 total views
Iminungkahi ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na isama sa curriculum sa pag – aaral ng mga estudyante ang “culture of a just peace.
Sa talumpati ni Archbishop Ledesma sa 75th National Convention ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na ginaganap sa Waterfront Hotel, Cebu City ay kanyang ipinanawagan sa mga Catholic schools na ipamulat sa mga kabataan ang panawagan sa usaping pangkapayapaan sa bansa.
“Ang inaasahan ko nga na sa loob ng curriculum natin mapag – usapan rin natin itong formation of culture of peace towards a just peace for everyone, because these really means peace with social justice and peace for everyone,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Malaki ang paniniwala ni Archbishop Ledesma na ang ginagampanang papel ng mga Catholic schools ay napakahalaga lalo na sa paghuhubog sa mga estudyante na magmalasakit para sa mga mahihirap, sa usaping kapayapaan at kalikasan.
“May six dimensions ako na pag – uusapan, basically it will start with the individual, personal and family integrity and it also goes on with the respect on human life and social justice and also of the eradication of poverty. It will also move into intercultural understanding and also the cessation of hostilities and also for the care of environment,” giit pa ni Archbishop Ledesma sa Radyo Veritas.
Mahigit sa 3 libong delegado mula sa 1, 500 Catholic Private Schools sa bansa ang dumalo sa CEAP National Convention.