5,965 total views
Nagtalaga ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ng mga paring magiging katuwang sa pangangasiwa sa arkidiyosesis.
Nitong February 10 alinsunod sa diwa ng synodality ni Pope Francis at ang Traslacion Roadmap ng arkidiyosesis ay iniluklok ng cardinal ang ilang mga pari sa mga mahalagang posisyon sa curia ng arkidiyosesis.
Layunin ng hakbang na mapalakas pa ang misyon ng arkidiyosesis lalo na ang paggabay sa pastoral at espiritwal na pangangailangan sa mahigit tatlong milyong nasasakupan mula sa limang lunsod sa Metro Manila.
“In our ardent desire to make the offices of the Archdiocese of Manila more effective and responsive to the needs of the times, and cognizant of the maturity, prudence, integrity, and pastoral experience of the appointees, by the grace of God and the favor of the Apostolic See, His Eminence Jose F. Cardinal Advincula, Archbishop of Manila, issued the appointment of curia officials,” bahagi ng liham sirkular ng arkidiyosesis.
Kabilang sa mga itinalaga sina Fr. Reginald Malicdem bilang Vicar General at Moderator Curiae, Chancellor si Fr. Isiro Marinay, Vice Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr. habang kasapi naman si Fr. Aldwin Ivan Gerolao.
Itinalaga rin si Fr.Gilbert Kabigting bilang Treasurer, Director ng Audit Department si Fr. Jeremiah Adviento habang si Msgr. Noly Que, LRMS naman ang mangangasiwa sa Properties and Administration Department.
Nagtalaga rin si Cardinal Advincula ng mga Episcopal Vicars sa bawat lungsod na sakop ng arkidiyosesis: Sa Manila si Msgr. Esteban Lo, LRMS; Fr. Roderick Castro sa Makati; Fr. Cesar Buhat sa Mandaluyong; Fr. Edgardo Coroza sa Pasay; at Fr. Michael Kalaw naman sa San Juan.
Vicar for Clergy si Fr. Rolando Garcia, JR., Fr. Jason Laguerta sa Traslacion Roadmap at Fr. Marina sa Chancery Matters.
Si Fr. Roy Bellen naman na kasalukuyang Vice President ng TV Maria at Radio Veritas ang Director ng Office of Communication habang si Fr. Jerome Secillano naman ang itinalagang tagapagsalita ng arkidiyosesis.