2,367 total views
Nakikiisa ang Church People – Workers Solidarity (CWS) sa paggunita ng ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay CWS Co-Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, mahalaga ang patuloy na paggunita sa mapayapang rebolusyon na naganap noong taong 1986 na nagtapos ng mahigit 20-taong diktadurya at nakapagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“CWS joins the Filipino people in commemorating the 37th anniversary of EDSA People Power. The EDSA protests in 1986 were a remarkable moment in Philippine history when the Filipino people were able to get rid of a dictator, putting an end to a twenty-year authoritarian rule.” pahayag ni Bishop Alminaza.
Ibinahagi ng Obispo na sinasalamin ng resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey kung saan lumabas na 62-porsyento ng mga Pilipino ang naniniwala sa patuloy na diwa ng EDSA People Power Revolution na nananatiling buhay ang diwa ng paninindigan ng mga Pilipino para sa kapakanan at demokrasya ng bansa.
Paliwanag ni Bishop Alminaza, bahagi ng pagbabalik tanaw sa makasaysayang EDSA People Power Revolution ang pagbibigay pugay sa lahat ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na nagkaisa upang labanan ang diktadurya.
Giit ng Obispo, isa rin hamon para sa bawat isa ang pagpapanatili ng katotohanan sa kasaysayan ng bansa laban sa anumang tangka ng pagbabago o pagbaliktad sa tunay na mga naganap sa isa sa pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas.
“A Social Weather Stations (SWS) survey revealed that 62% of Filipinos believe the spirit of EDSA people power is still alive. The result of this survey highlights the significance of remembering. To remember EDSA people power is to re-kindle the spirit of resistance. To remember is to pay tribute to the heroism of past generations, learn lessons from our tragic past and counter historical revisionism. To remember is to re tell history from the vantage point of the people and not the elite.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Partikular namang tinukoy ng Obispo ang kahalagahan ng patuloy na paninindigan ng taumbayan sa demokrasya, kalayaan at kaayusan ng bansa 37 taon na ang nakakalipas.
Ayon kay Bishop Alminaza nakadidismaya na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at serbisyo sa merkado ay tila mas pinagtutunan ng pansin ng pamahalaan ang pagsusulong ng pag-amyenda sa Konstitusyon ng bansa na magpapahintulot sa 100-porsyentong pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga ari-arian sa Pilipinas gayundin ang pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng bayan.
“In the midst of economic turmoil, Marcos Jr. and his economic team are pushing for charter change which seeks to allow foreign corporations 100% ownership of our resources. It also seeks to extend the term limit of the president and lawmakers which will only further cement political dynasties in the government.” Ayon kay Bishop Alminaza.
Matatandaang hinangaan sa buong daigdig ang mapayapa at makasaysayang EDSA People Power Revolution noong Pebrero taong 1986 kung saan sa harap ng mga tangke at ng militar ay dumagsa sa EDSA ang mamamayan mula sa iba’t-ibang antas ng lipunan kasama ang mga lingkod ng Simbahan at nagkaisa sa pananalangin para sa mapayapang pagkamit ng demokrasya ng bansa mula sa diktadurya.