2,027 total views
Nanawagan ng patas na imbestigasyon ang Church People – Workers Solidarity (CWS) sa pagdukot ng mga nagpakilalang pulis sa dalawang development workers at human rights advocate sa Cebu City Pier dalawang linggo na ang nakakalipas.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo A. Alminaza, Chairperson ng Church People – Workers Solidarity (CWS), dapat mapanagot ang mga nasa likod ng pagdukot kina Dyan Gumanao at Armand Dayoha.
Duda ang Obispo sa kawalan ng aksyon ng mga port security sa hayagang pagdukot kina Gumanao at Dayoha sa pier na maaaring patunay sa pagkakasangkot ng state forces sa nasabing insidente.
“The facts of this case are obvious. The initial captors said that they were police. The reason for the pseudo-arrest turned abduction, enforced disappearance and illegal detention was also plainly stated as because Dyan and Armand are ‘activists.’ Their place of abduction was inside the port and without response from the port security. This could only be done by state forces. We believe Dyan and Armand and we call for an immediate, impartial investigation into their abduction and illegal detention,” pahayag n Bishop Alminaza.
Itinuturing ni Bishop Alminaza na ang sinapit nina Gumanao at Dayoha ay patuloy na banta para sa kaligtasan ng mga human rights defenders sa bansa.
Hinangaan naman ng Obispo ang matapang na paglantad ng dalawa upang ikuwento ang nangyari sa kanila sa pier ng Cebu.
Iginiit ni Bishop Alminaza na nararapat manaig ang katarungan at pananagutan sa lipunan sa halip na culture of impunity sa bansa.
“As happy as I am that they have survived…. As happy as I am that they are courageously exposing what happened to them, I am broken-hearted in observing, once again, how human rights and civil liberties are so easily violated by police and state agents. Impunity must not be tolerated. It is essential to bring to the bar of justice and accountability the perpetrators of these heinous crimes against the people,” dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Nagpahayag naman ng paghanga si Bishop Alminaza sa adbokasiya nina Gumanao at Dayoha na pakikibahagi sa misyon upang isulong ang mga karapatan at kapakanan ng mga mahihirap na sektor kabilang na ang mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo sa bansa.
Pagbabahagi nina Gumanao at Dayoha na nagmula sila sa bakasyon sa Cagayan de Oro at kadadaong lamang sa pier ng lapitan ng grupo ng mga lalaking nagpakilala pulis kung saan sa loob ng anim na araw ay hindi nila alam kung saan sila dinala habang pilit na pinapaamin na sila ay kasapi ng teroristang grupo.
Ika-15 ng Enero, 2023 ng iniwan sila sa isang resort sa Carmen, Cebu matapos dumanas ng psychological torture.