529 total views
Bantayan natin, kapanalig, ang galaw ng ating mga kabataan sa Internet. Ang mga gadgets na ang kanilang pangunahing kasama ngayon, at hindi natin namamalayan na minsan, ang ating mga anak ay instigador na o biktima ng cyberbullying. Maraming mga bata na nasa murang edad pa lamang, mga nasa grade school pa lamang, ay nabibiktima na ng cyberbullying, at nambibiktima na rin ng iba pa nilang kasama online.
Ano ba ang cyberbullying?
Ayon sa UNICEF, ang cyberbullying ay ang pambubully gamit ang digital technologies. Nangyayari ito sa social media, sa mga messaging platforms, pati sa mga games na nilalaro ng mga bata ngayon online. Paulit-ulit na ginagawa ito ng mga bullies – minsan nanakot sila, minsan nanghihiya o nangpapahiya sila, minsan, pino-provoke nila na magalit ang mga biktima nila. Ang hirap tugunan ito minsan dahil unang una mabilis ito gawin sa Internet, at gamit pa ang kanilang personal na gadgets. Kung hindi natin tutukan, laging mangyayari ito at mabibigla na lamang tayo na malaki na pala ang epekto sa mental health ng mga kabataan.
Sabi nga ng UNICEF, isa sa tatlong kabataan sa 30 na bansa ang nagsasabing biktima sila ng cyberbullying. May isa sa lima sa 30 bansa ang nagsasabing nag-aabsent na lang sila sa school dahil sa cyberbullying at karahasan. Dito naman sa ating bansa, halos kalahati ng mga kabataan mag edad 13-17 ang naapektuhan ng cyberviolence. Verbal abuse at sexual messages ang ilan sa mga uri ng cyberviolence na nararanasan ng ating mga kabataan ngayon online.
Sa mga nasa mas murang edad naman, marami na sa kanila ay nagmumura na online, kahit hindi pa nila nauunawaan ang mga kahulugan ng mga salitang ito. May mga bata na nasa elementarya pa lamang na gumagamit na marahas na salita laban sa kanilang mga kaklase o kaibigan o kasama online.
Kapanalig, nawala na ang virtue ng “kindness” pati ang halaga ng golden rule na “don’t do to others what you don’t want to be done to you” sa Internet at sa mga bata ngayon. Para bang okay na lamang kahit magbitaw tayo ng napakasakit ng salita, kahit bata pa o matanda, tutal online lang naman at hindi harapan. Pero kapanalig, ang cyberbullying ay may cyber footprint, at ang ating sinabi o ginawa ay mas mabilis makaabot sa napakaraming tao at maging viral. At kahit pa walang makabasa o makakita nito, ang epekto nito sa biktima ay malalim—profound—at maaring long-term.
Si Pope Francis ay may video message ukol sa cyberbullying. Dinggin natin siya: Declare war on bullying, because it diminishes dignity, and stand up for dialogue; walking together, with patience of listening to the other. The peace will then be strong, and that same strong peace will let you discover your own dignity.
Sumainyo ang Katotohanan.