Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Daig pa ang mga nakaririnig

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Mga Kapanalig, sabi sa 1 Corinto 1:27, “…Pinili ng Panginoon ang mga mahihina ng sanlibutan upang ipahiya ang malalakas.”

Tila ba akma ang bersong ito upang ilarawan ang tapang ng mga kapatid nating may kapansanan nang magsampa sila ng kaso laban kay Presidential Communications Operations Office o PCOO Assistant Secretary Mocha Uson. Binastos daw ng opisyal at ng isa pang blogger ang mga kapatid nating bingi nang gawin nilang katatawanan ang paggamit ng sign language sa isang video tungkol sa federalismo. Sa video, nagpapanggap ang kasama ni ASec Uson na isang binging nagsa-sign language habang gumagawa ng mga tunog na ginagaya ang pakikipag-usap ng mga bingi. Malinaw na maririnig sa video ang sinabi ni ASec Uson na “mukhang unggoy” ang blogger, at nauwi sa halakhakan ang anila’y educational video.

Ayon kay Carolyn Dagani, pangulo ng Philippine Federation of the Deaf o PDF, inapakan ng ni ASec Uson at ng kanyang kaibigan ang dignidad ng mga kapatid nating hindi nakaririnig. Kaya naman, hindi nagdalawang-isip ang PDF na ireklamo si ASec Uson sa Ombudsman dahil nilabag daw niya ang maraming batas katulad ng Magna Carta of Persons with Disabilities at ng Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees. Kasama ng PDF ang Philippine Coalition on the UN Convention on the Rights of Persons with Disabilities na nagsampa ng reklamo, at nanawagan silang tanggalin sa puwesto ang opisyal kung mapatutunayang lumabag siya sa batas.

Bagama’t nagbigay na ng public apology sina Asec Uson at ang kanyang kaibigan, iginiit ng PDF na madaling humingi ng tawad at magbago ng isip ngunt walang mababago kung hahayaan silang ipagpatuloy ang kanilang ginagawang pambabastos sa mga taong may kapansanan. Aantabayanan natin, mga Kapanalig, ang magiging resulta ng reklamong ito laban sa kontrobersyal na assistant secretary, na nahaharap din sa iba pang kaso dahil sa pagkakalat niya ng fake news at paninira sa isang opposition senator.

Mga Kapanalig, ang paggalang sa ating kapwa ay pagtugon natin sa kanilang mga karapatang nagmumula sa kanilang dignidad bilang nilikha ng Diyos. Ipinaaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng pagtingin sa ating kapwa bilang isa pa nating sarili o “another self.” Sa pamamagitan nito, nagagawa nating isaalang-alang ang buhay ng ating kapwa at pagsumikapang tiyaking makapamumuhay sila nang may dignidad. Tungkulin ng bawat Kristiyanong ituring ang kanyang kapwa na para bang kanyang sarili rin, at ang aktibo silang ibigin at paglingkuran, lalo na kung nasa mga kalagayan sila ng kawalan ng katarungan. Lagi nating isaisip ang sinabi ni Kristo sa Mateo 25:40: “Anuman ang ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit na kapatid ko, ginawa ninyo ito sa akin.”

Itinuturo din sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng pagkilala at paggalang sa dignidad ng bawat isa—may kapansanan man o wala—sa pagtatatag ng isang lipunang makatarungan. Umiiral ang katarungang panlipunan o social justice kung natitiyak nating nakakamit ng “maliliit” at “mahihina” ang nararapat sa kanila batay sa kanilang kalagayan at bokasyon. Upang makamit ang mga ito, kinakailangan natin ng mga lider na marunong kumilala at gumalang sa dignidad ng lahat, anuman ang kalagayan nila. Kung hindi ito nauunawaan ng ating mga opisyal, dapat silang papanagutn ng mga institusyong nagpapatupad ng mga batas.

Mga Kapanalig, kahanga-hanga ang ginawa ng Philippine Federation of the Deaf. Sabi nga ng ilan, mabuti pa raw ang mga bingi, alam ang mali at kayang nilang ipaglaban ang tama, samantalang ang mga nakaririnig, nagbibingi-bingihan sa kabila ang ingay ng pulitika at pamamahalang walang bahid ng pagkiling sa mga maliliit at mahihina. Sa huli, nakikita natin na ang kalakasan ay wala sa kapangyarihang taglay ng isang tao kundi sa paninindigan niya para sa katotohanan at para sa dangal ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 19,063 total views

 19,063 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 50,202 total views

 50,202 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 55,788 total views

 55,788 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 61,304 total views

 61,304 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 72,425 total views

 72,425 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 19,064 total views

 19,064 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 50,203 total views

 50,203 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 55,789 total views

 55,789 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 61,305 total views

 61,305 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 72,426 total views

 72,426 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 78,913 total views

 78,913 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 66,615 total views

 66,615 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 75,097 total views

 75,097 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 68,156 total views

 68,156 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 75,080 total views

 75,080 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 72,174 total views

 72,174 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 82,675 total views

 82,675 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 97,748 total views

 97,748 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 103,712 total views

 103,712 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 107,859 total views

 107,859 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top