Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 3,281 total views

Homiliya para sa Linggo ng Pentekostes, 19 ng Mayo 2024, Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay araw ng pagdiriwang ng pagdating ng regalong dulot ng pagkabuhay ni Kristo at pag-akyat niya sa langit: ang Espiritu bumaba at lumukob sa mga alagad upang magpatuloy sa pamamagitan nila ang misyon ni Kristo. Ano ang misyon na iyon? Ang misyon na baguhin, hindi lang sila, hindi lang ang sangkatauhan, kundi ang buong sanlibutan sa pamamagitan nila.
Iyon ang sinasabi ng isa sa pinakamatandang panalangin sa Espiritu Santo: Come Holy Spirit:

Come, Holy Spirit, fill the hearts of Thy faithful
and kindle in them the fire of Thy love.
Send forth Thy Spirit and they shall be created.
And Thou shalt renew the face of the earth.

Sa Tagalog:
Halina, Espiritung Banal, puspusin mo ang mga puso ng iyong mga mananampalataya
at pagningasin mo sa kanila ang apoy ng iyong pagibig.
Hayaan mong umihip sa kanila ang banal mong hininga
upang sila’y malikha at upang sa pamanagitan nila ang daigdig ay maging isang bagong sangnilikha!

Apoy ng Pag-ibig ang tawag sa Espiritu Santo. Sa Latin ang salita para sa pag-ibig ay CARITAS, na sa Ingles ay CHARITY. May kasabihan tayo sa Ingles: “Charity begins at home.” Sa tahanan daw nagigising ang kagandahang-loob ng tao, natutong magmalasakit at lumabas sa sarili. Totoo naman, di ba? Kaya nga napaka-importante ng pamilya, kasi ito ang unang eskwelahan natin. Dahil karamihan sa atin lumaki sa hirap, sa mesa tayo natuturuan unang magmalasakit, at matuto sa pakiramdaman. Hindi ba pag pinakakain ang mga aso sa iisang kainan, natural lang na kung pare-pareho silang gutom, mag-uunahan sila, minsan mag-aaway pa nga dahil lahat sila walang ibang hangad kundi ang makakain nang sapat at mabusog? Ganyan kasi ang hayop.

Pero tayo, kahit hayop din tayo, alam natin higit pa tayo sa hayop. Tao tayo, marangal. Kaya tinuturuan tayo na magpakatao,isipin ang kapakanan at ikabubusog hindi lang ng sariling tiyan, kundi ng bawat isa. Iyan ang charity—pag-ibig o pagmamahal. Sa pamilya tayo unang natuturuang makipagkapwa, mag-isip sa kapakanan ng isa’t isa, magmahal, para maging tunay na tao, para magpakatao.

Ang Pentekostes ay tungkol sa pagbubuo ng Diyos ng pamilya, tungkol sa tahanan na gustong buuin ng Diyos, na ang miyembro ay hindi lang mga kadugo—kundi buong sangkatauhan (ibig sabihin, maituring na kapatid ang lahat ng kapwa tao), buong sanlibutan (lahat ng kapwa nilalang). Kaya ipinagdiriwang din natin ang Pentekostes bilang simula ng LAUDATO SI WEEK na ang tema ay “Mga Unang Bunga ng Pag-asa.” Parang harvest festival kasi ang orihinal na Pentekostes ng mga Hudyo. Shabuoth ang tawag nila sa Hebreo, araw ng pasasalamat para sa anihan, o sa unang bunga ng lupa. Kasabay ito, para sa kanila ng pagtanggap nila ng Sampung Utos ng Diyos para sa matuto silang mabuhay bilang katipan ng Diyos, matutong umibig sa Diyos nang higit sa lahat at umibig sa kapwa na gaya nang sarili. Ibig sabihin, maging pamilya ng Diyos.

Oo, totoong “Charity begins at home,” nagsisimula sa pamilya ang pag-ibig. But it should not end at home. It begins there, nagsisimula lamang. Kailangan siyang malubos at mabigyan ng kaganapan. At ito ang misyon ni Kristo, na siyang dahilan para sa Pentekostes. Para matupad ang Pangarap ng Diyos na mabago ang buong daigdig upang maging pamilya ng Diyos—tumanggap ng bagong dila, hindi dilang laman kundi dilang apoy—simbolo ng wika o linggwahe ng Diyos, and linggwahe ng CARITAS, PAG-IBIG. (Iyon ang Espiritu: ang apoy ng Pagibig ng Diyos, the fire of God’s love, na siya lang makapagbabago sa daigdig at sa relasyon ng tao, hindi lang sa kapwa tao kundi sa lahat ng kapwa nilalang.

Kaya naging inspirasyon ni Pope Francis ang panalangin ni Saint Francis of Assisi sa kanyang encyclical na Laudato Si—Care for the Earth, our Common Home. Tungkol sa mas malawak at mas malaking tahanan na nais likhain ng Diyos.

“Purihin ka, Panginoon ko, sa lahat ng iyong mga nilikha,
Lalo na kay Araw na aming kuya
Upang sa pamamagitan niya’y masikatan kami ng iyong liwanag…
Gayundin sa buwan at mga bituin na aming mga ate sa langit
Hinubog mo sila upang aming mamalas sa pamamagitan nila ang iyong kaningningan…
Gayundin ang simoy ng hangin na kapatid rin namin,
upang sa pamamagitan niya lahat kaming iyong mga nilikha ay maginhawang makahinga
Gayundin sa ate naming tubig na Hindi rin iba sa amin ,
Purihin ka sa kapatid naming apoy at sa lupang aming nanay upang sa pamamagitan niya kami rin ay umusbong, mamukadkad at laging maging mabunga
Gayundin kay ateng kamatayan na di maiiiwasan ninuman sa amin…”

Malasakit ang tawag natin kapag nararamdaman na natin ang sakit na pinagdadaanan ng mga taong malapit sa atin. Bakit? dahil kapamliya ang turing mo sa kanila, parang nakaugnay ka na sa kanila. Ang nakakaapekto sa kanila ay nakakaapekto na rin sa iyo. Pero sa Pentekostes, ang itinatanim na pag-ibig na Diyos, ang hininga na ibinibigay sa atin, ang apoy na sinisindihan sa mga puso natin ay pag-ibig na nag-uugnay sa atin hindi lang sa kadugo, hindi lang sa kalahi, hindi lang sa kapwa-tao, kundi sa lahat ng kapwa nilikha. Pinalalaki ang ating tahanan—buong sanlibutan, pati araw at hangin, buwan at bituin, tubig, lupa, apoy, lahat ay nakaugnay na sa atin.

Isa sa mga lumang kantang Pilipino na para sa akin ay magandang inspirasyon para sa diwa ng Pentekostes ay ang IKAW AKO MAGKAKAPATID ng New Minstrels.
Ito ang awit na Espiritu Santo:

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao at daigdig
Lungkot nila’y mapapawi
Ligaya’y ngingiti
Pag-ibig at pag-asa
Ang damdaming gigising
Sa taong nahimbing
Ang tunay na ligaya
Sa ating mga puso
Muling magniningning
Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat
Ay magkakapatid.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 33,368 total views

 33,368 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 48,445 total views

 48,445 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 54,416 total views

 54,416 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,599 total views

 58,599 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,880 total views

 67,880 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 2,640 total views

 2,640 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 4,770 total views

 4,770 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 4,770 total views

 4,770 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 4,771 total views

 4,771 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 4,767 total views

 4,767 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 5,639 total views

 5,639 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 7,841 total views

 7,841 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 7,874 total views

 7,874 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 9,228 total views

 9,228 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 10,325 total views

 10,325 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 14,538 total views

 14,538 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 10,258 total views

 10,258 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 11,627 total views

 11,627 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 11,888 total views

 11,888 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 20,581 total views

 20,581 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top