239 total views
Dalawang kinatawan ni Pope Francis ang dumalo sa isinasagawang National Conference of Seminary Formators on the Promotion of the New Ratio sa International Eucharistic Congress (IEC) Convention Center sa Cebu City.
Sina Archbishop Jorge Patron Wong, secretary of the Vatican Congregation of the Clergy at Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia.
Dumalo din sa 5-day conference sina San Carlos Bishop Gerardo Alminaza-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Seminaries at higit sa 400 formators mula sa ibat-ibang seminaryo sa bansa.
Layunin ng pagtitipon ang pagtalakay sa Ratio Fundamentalis Institutionis Sacerdotalis o the The Gift of Priestly Vocation na inilabas ng Vatican noong nakalipas na taon.
Hangad sa pagtitipon na makabuo ng programa at maiakma ang bagong panuntunan bilang bahagi ng formation ng mga pari sa bansa kasabay ng rin ng pagdiriwang ng simbahan sa Pilipinas ng Year of the Clergy and Consecrated Persons na bahagi ng paghahanda para sa ika-500 ng kristiyanismo sa Pilipinas sa 2021.
Sa tala ng CBCP, mahigit sa 10,000 ang bilang ng mga pari sa buong bansa na kumakalinga sa higit 86 na milyong mga katoliko.
Kabilang din sa mga pangunahing speakers sa pagtitipon sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle; Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo at Cebu Archbishop Jose Palma.
Pinangungunahan naman ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles ang may 30 obispo at arsobispo sa conference na dadalo naman sa ika-114th plenary ng CBCP na magsisimula bukas ika-26 ng Enero sa Cebu City.