408 total views
Maging tagapagbahagi ng pananampalataya sa loob at labas ng bansa.
Ito ang paanyaya ni Papal Nuncio to the Philippine Archbishop Gabriele Giordano Caccia sa mga madre at pari na kabilang sa Association of Major Religious Superiors of the Philippines.
Sa ginanap na pulong sa Pope Francis Hall, Intramuros Manila binigyan diin ni Archbishop Caccia ang kahalagahan ng mga religious bilang mga pangunahing misyonero ng simbahan.
Ang panawagan ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng Pilipinas ng Year of the Clergy and Consecration Persons na bahagi ng paghahanda ng simbahan sa ika-500 taon ng kristiyanismo sa bansa.
“The final point is Missio Ad gentes. What does it mean that the church of the Philippines is on line with the Pope asked with the most important document he wrote which is still remains, Evangelii Gadium. As he said, this is the magnacarta -the great document of my pontificate for years to come. This is the missionary impulse given to the church that is always there. But to remind us that our goal is to be missionary to spread the Good News and celebrating the welcoming of Christianity in your country,” ayon kay Archbishop Caccia.
Ayon sa arsobispo, ito ay hindi lamang pagdiriwang ng hubileyo ng pagdating ng pananamapalataya sa Pilipinas- kundi isang hamon sa bawat isa na dalhin ang pananampalataya sa lahat ng sulok ng bansa maging sa iba’t ibang panig ng mundo.
“It is opening the window, opening the doors and said where can we bring this good news! Is the gospel arrived in all the islands? Is the gospel arrived in all the mountain regions inside this country? In Asia?,” ayon kay Archbishop Caccia.
Ayon pa sa kaniya, ang mga Pilipino ay may kaloob na talento na dapat gamitin hindi para sa sarili kundi para ibahagi sa kanyang kapwa- ang ipaalam ang pagmamahal at mabuting balita ng Panginoon sa bawat isa.
February 2, ipinagdiwang ang 22nd World Day of Consecrated Life kung saan pinangunahan ni Archbishop Caccia ang misa sa Manila Cathedral.
Ang AMRSP ay binubuo ng 283 congregasyon, kabilang na dito ang 68 men congregations habang 18 kongregasyon ay itinatag dito sa Pilipinas.