Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 12,901 total views

Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38

Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala ito ng lahat ng Katolikong marunong magdasal ng rosaryo, dahil ito ang pinaka-concluding prayer sa dulo ng pagrorosaryo. Ayon sa kasaysayan, ang pinagmulan ng komposisyon ng panalanging ito ay ang monsateryo ng mga Cistersians noong 11th century.

Pero ang Catholic doctrine tungkol kay Mama Mary bilang Reyna ng Langit ay noon lamang 1954 dineklara ni Pope Pius XII. Konektado ito sa Assumption o Pag-akyat ni Maria sa Langit na katatapos lang nating ipagdiwang noong August 15. Kung ano ang ipinahahayag natin sa Kredo tungkol sa Panginoong Hesukristo, ipinahahayag din natin tungkol kay Maria. Di ba sinasabi natin “Umakyat si Kristo sa langit at naluklok sa kanan ng Ama…”. Kaya sinasabi rin natin “Iniakyat si Maria sa langit at iniluklok sa kanan ng Anak niya bilang Reyna.” Parte kasi sa tradisyon ng mga Hudyo na kapag naluklok sa trono ang Hari ng Israel, iniluluklok din ang nanay sa kanan niya bilang Reynang Ina. Sa First Book of Kings 2:20, nang maluklok si Solomon bilang Hari ng Israel, iniluklok din niya si Bathsheba na nanay niya bilang Reyna at sinabi pa niya, “Humiling ka sa akin, inay, hindi kita tatanggihan.”

Sa ebanghelyong binasa natin, sinabi daw ng anghel kay Maria, “Ang anak na isisilang sa iyo ay iuupo sa trono ng Ama niyang si David at maghahari siya sa lahi ni Jacob magpakailanman at ang paghahari niya ay walang hanggan.”

Matagal na pinagtalunan ng maraming mga Kristiyano ang tungkol sa papel ni Maria sa buhay at misyon ng Anak niya. Pati nga ang title na “Mother of God” o “Ina ng Diyos” ay hindi matanggap ng maraming kapwa Kristiyano natin. Sinasabi nila, si Maria daw ay Ina ni Hesus sa pagkatao lamang niya, hindi sa kanyang pagka-Diyos dahil daw wala namang nanay ang Diyos. Pero nanindigan ang mga Kristiyanong Katoliko, pati na rin ang mga Orthodox—na hindi mapaghihiwalay ang pagkaDiyos at pagkatao sa iisang persona ng Panginoong HesuKristo. Kaya sa lahat ng ipinahahayag natin tungkol sa Anak niya, laging damay ang nanay niya. Pag sinabi natin “Anak ng Diyos” si Hesus na Anak niya, sinasabi rin nating “Ina ng Diyos” ang Nanay niya. Kapag ipinahahayag natin na si HesuKristo ay “Hari ng Sanlibutan”, edi “Reynang Ina” ang Nanay niya! Damay-damay, ika nga. Karamay siya sa pagdurusa bilang Mater Dolorosa. Karamay din sa kaluwalhatian bilang Regina Coeli (Reyna ng Langit).

Balikan natin ang kuwento ng Sister Act. Deloris Wilson ang pangalan ng karakter na naging papel ni Whoopi Goldberg sa pelikulang iyon. Dahil naging witness siya sa isang krimen, ipinasok siya ng kapulisan sa Witness Protection Program at ipinakiusap na itago muna siya sa kumbento ng mga madre. Kaya nadamay din ang madre sa gulo sa buhay ni Deloris Wilson. Nagkataon naman na dahil dating performing artist pala siya sa isang bar at mahusay kumanta, nadamay rin naman ang mga madre sa galing niya sa musika. Ginawa siyang choir master at binigyan ng modern style ang mga kanta nila, kaya dinumog daw ng mga nagsisimba ang simbahang kinakantahan nila, pati ang Santo Papa nakinig sa kanila. Madadamay ka rin sa pag-indak, lalo na doon sa parte ng rendition nila ng Hail Holy Queen na magiging modern ang beat sa bandang gitna.

Damay-damay. Ito ang pahayag ng simbahang Katolika sa araw na ito ng feast of the Queenship of Mary. Aba Mahal na Reyna, Ina ng Awa, aming Buhay at Katamisan. Bakit? Sinasabi lang natin, “Dahil sa iyo, may pag-asa na rin ang buong sangkatauhan, dahil ang dangal na kaloob ng Diyos sa iyong abang pagkatao ay mapapasaamin din.” Damay damay nga, di ba?

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 45,897 total views

 45,897 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,972 total views

 56,972 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 63,305 total views

 63,305 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,919 total views

 67,919 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 69,480 total views

 69,480 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,314 total views

 6,314 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,444 total views

 8,444 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,443 total views

 8,443 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,445 total views

 8,445 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,441 total views

 8,441 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,312 total views

 9,312 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,514 total views

 11,514 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,547 total views

 11,547 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,998 total views

 13,998 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,207 total views

 18,207 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,926 total views

 13,926 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,295 total views

 15,295 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,556 total views

 15,556 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,249 total views

 24,249 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 11,110 total views

 11,110 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top