Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Damayan sa simula ng taon

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, kung marami sa atin ang nagdiwang ng Pasko kasama ang mga mahal natin sa buhay at sama-samang nagsasalu-salo habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin, may mga kababayan naman tayong basáng-basâ, lubog sa baha, at nabalot sa dilim ang dapat sana ay masayang pagdiriwang.

Dahil sa pag-ulang dala ng tinatawag na shear line o ang pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at ng mainit na hangin mula sa Pasipiko, maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang lumubog sa baha sa bisperas ng Pasko. Nagpatuloy ang kanilang kalbaryo hanggang sa araw mismo ng Pasko. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 25,000 pamilya ang kinailangang ilikas, ayon sa Office of Civil Defense. Mahigit 30 na ang naulat na namatay at marami ang hindi pa rin nahahanap. Magiting na sinagip ng mga rescuers ang mga kababayan nating naipit sa baha, at binuksan naman ang mga paaralan upang pansamantalang silungan ng daan-daang pamilyang lumubog sa baha ang kanilang bahay. Hindi naman narating ang ilang komunidad dahil sa mga nasirang tulay, at may mga bahay namang tinangay ng landslide at matinding agos ng dagat.

Sa kanyang mensahe at pagbibigay ng kanyang Urbi et Orbi blessing sa araw ng Pasko, ipinaalala ni Pope Francis sa ating mga Katoliko na ipinanganak si Hesus upang samahan tayo sa ating araw-araw na pamumuhay, upang maging kabahagi natin sa lahat ng bagay: ang ating mga kagalakan at kalungkutan, ang ating mga pag-asa at takot.

Para sa mga kababayan nating nasalanta ng pag-ulan at pagbaha, maaaring walang saysay ang mga salitang ito. Habang masaya at komportableng nagdiriwang ng Pasko ang marami sa atin, nasa panganib ang kanilang buhay, nasira ang kanilang mga tirahan, at nawala ang kanilang kabuhayan. Paano natin masasabi sa kanilang kapiling nila ang Diyos sa kanilang paghihinagpis at pagkatakot sa araw na itinuturing ng marami sa atin bilang pinakamasaya?

Walang sasapat na mga salita upang mapanatag ang ating mga kababayang nasalanta ng matinding pag-ulan sa Visayas at Mindanao. Kayâ higit sa pag-alala sa kanila sa ating mga panalangin, maaari nating maipadama sa kanila ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Muli, gaya ng sinabi ni Pope Francis sa kanyang Urbi et Orbi, ang pagsilang ni Hesus sa isang mundong balót ng kawalang-pakialam at poot ay magtulak nawa sa ating magpakita ng ating solidarity o pakikiisa upang hatiran ng tulong ang mga nagdurusa.

Sa ating makakaya, ibahagi natin sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ang mga biyayang natanggap natin hindi lamang nitong Pasko kundi sa nakaraang taon. Maliit man o malaki, makatitiyak tayong ang ating iniambag ay dadagdag sa kabutihang-loob ng ibang nagbibigay din. Maraming organisasyon ang tumatanggap ng donasyon upang mahatiran ng tulong ang mga nangangailangan sa Visayas at Mindanao. At makatitiyak tayong maging ang Simbahan ay ginagawa ang makakaya nito upang maging daluyan ng ating pakikiramay.

At kapag nakapagbahagi na tayo, huwag nating kalimutang alamin kung ano naman ang ginagawa ng mga tinawag ni Pope Francis sa Urbi et Orbi na may “political responsibilities”. Sila ang mga inaasahan nating mangangasiwa sa paggamit ng ating ibinabayad na buwis para sa kapakanan ng mga kababayan nating nangangailangan. Sila ang unang dapat maghatid ng tulong sa mga nasalanta.

Mga Kapanalig, narito si Hesus upang samahan tayo sa isang bagong taon, kung saan binibigyan tayo ng pagkakataong maging mga “bagong nilalang”, ayon nga sa 2 Corinto 5:17. Nawa’y simulan natin ang 2023 nang may bagong pag-asa—isang pag-asang sana ay ibinabahagi rin natin sa iba sa pamamagitan ng pagdadamayan, lalo na sa mga kapus-palad at malungkot na sisimulan ang bagong taon.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 6,414 total views

 6,414 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 29,859 total views

 29,859 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 46,621 total views

 46,621 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 59,680 total views

 59,680 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 57,743 total views

 57,743 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 6,415 total views

 6,415 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 29,860 total views

 29,860 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 46,622 total views

 46,622 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 59,681 total views

 59,681 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 57,744 total views

 57,744 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 69,434 total views

 69,434 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 66,527 total views

 66,527 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 77,029 total views

 77,029 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 92,102 total views

 92,102 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 98,066 total views

 98,066 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 102,213 total views

 102,213 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 111,488 total views

 111,488 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 55,595 total views

 55,595 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 53,840 total views

 53,840 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 104,148 total views

 104,148 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top