387 total views
Ang bawat nilalang ay mayroong dignidad at mga karapatang dapat igalang at pahalagahan.
Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ito ang punto ng mga pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kontrobersyal na usapin ng pagbibigay proteksyon sa mga homosexuals.
Ayon sa Obispo na siya ring Vice-Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o CBCP-NASSA/Caritas Philippines, hindi nagbabago ang paninindigan ni Pope Francis sa posisyon ng Simbahang Katolika sa usapin ng human sexuality, pagpapamilya at kasagraduhan ng kasal sa pagitan ng isang lalake at isang babae.
Gayunpaman, binigyang diin ni Bishop Alminaza na batid ng Santo Papa at maging ng Simbahan na ang bawat nilalang sa kabila ng anumang antas sa buhay, kakayahan o maging sexual orientation ay mayroong dignidad at mga karapatan na dapat na bigyang halaga ng bawat isa.
“The Pope has made it clear he is consistently upholding the church teachings on human sexuality, marriage & family. The Pope said, “Homosexuals have a right to be a part of the family” – regardless of one’s sexual orientation, IQ, status, other abilities – everyone has inherent human dignity & rights that must be respected. Is it wrong for the Pope to defend their need to belong to a family who will support them, their right to be accepted, loved & not to be discriminated or rejected?” pahayag ni Bishop Alminaza.
Sinabi ng Obispo na hindi dapat akusahan ang Santo Papa na lumilihis o lumalabag sa opisyal na turo ng Simbahan Katolika base lamang sa maikling pahayag.
Iginiit ni Bishop Alminaza na mahalagang marinig at malaman ang kabuuang konteksto ng panayam ni Pope Francis upang ganap na maintindihan ang punto ng Santo Papa at maiwasan ang maling mga interpretasyon.
“We can’t accuse him of deviating from the official teachings of the church on the basis of a short, edited statement without hearing the fuller context & explanation. Taken as part of his sincere pastoral accompaniment of persons with homosexual orientation, the Pope seems to suggest that they too need to be protected by law so they are not unjustly/unfairly discriminated against on the basis of their sexual orientation alone.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Tinukoy ng Obispo ang talata 52, 250 at 251 ng apostolic exhortation ni Pope Francis na Amoris Laetitia na inilathala taong 2016 kung saan nasasaad ang pagbibigay halaga ng Simbahan sa dignidad ng mga homosexual bilang anak ng Diyos at ang mariing paninindigan ng Simbahan kaugnay sa kasagraduhan ng kasal ng babae at lalaki.