183 total views
Umaasa si Senador Sherwin Gatchalian na maaayos ang sigalot sa pagitan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ni Vice President Leny Robredo.
Ayon sa Senador, dapat may mamagitan sa dalawa upang matapos na ang gulo, at sila ay tunay na magsakripisyo para sa bansa at isantabi ang personal na interes.
“Sana mapag-usapan ang gusot, nakakalungkot, ako I want to think positive sana may mamagitan sa kanilang dalawa at maayos tutal tayo ay nagsasakripisyo para sa ating bansa, isantabi ang personal na interes at ilagay ang nararapat para sa ating abnsa,” pahayag ni Gatchalian sa panayam ng Radyo Veritas.
Nagbitiw si Robredo bilang HUDCC head matapos na hindi na siya pinadadalo ng Pangulo sa mga cabinet meetings.
Kaugnay nito, maliban kay Robredo, tinext na rin ni Cabinet secretary Leoncio Evasco Jr. si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patrcia Licuanan na huwag nang dumalo sa mga cabinet meetings sa atas na rin ng Pangulong Duterte.
Ayon kay Licuanan, tutugon siya dito subalit sa ngayon tuloy ang kanyang trabaho bilang head ng CHED.
Sa social doctrine of the church, kinakailangan ang pagkakasundo-sundo ng mga namumuno sa isang bansa para na rin sa kaunlaran ng komunidad at magandang serbisyo sa nakararami.