222 total views
Nanawagan si Archdiocese of Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na ipanalangin at tulungan ang mga residente sa lalawigan na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Ipinagdarasal ng Arsobipo na hindi na maulit ang malaking trahedya na naganap nang manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan De Oro.
Pagbibigay diin ni Abp. Ledesma, mapipigilan ang mga malalaking trahedya, kung pangangalagaan ng tao ang kalikasan at kung lubos na mapaghahandaan ng bawat isa ang mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng panahon.
“We should really pray for the people in Cagayan De Oro again, last time nagkaroon ng Typhoon Sendong doon 5 [or 6] years ago and hopefully this is not a repeat of a bigger tragedy. Pero makikita rin natin na this is one call for us to also protect the environment saka always to be prepared for the natural calamities like this,” pahayag ni Abp. Ledesma sa panayam ng Radyo Veritas.
Tinukoy rin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pakakaisa ng pamahalaan at ng local communities sa pagpapanatili ng kalinisan, matapos maiulat na dahil sa mga baradong kanal at kalbong kabundukan ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng baha sa Cagayan De Oro.
“Dapat matingnan ng local government at ng local communities na dapat linisin yung mga drainage system natin and also we should really start in earnest yung re-greening program sa watershed areas natin.”pahayag ni Archbishop Ledesma
Samantala, bagamat nababahala ang Arsobispo dahil wala siya sa Cagayan De Oro dahil sa WACOM 4 ay tiwala itong mabilis na tinutulungan ng Social Action Center ng Archdiocese ang mga residenteng lumikas at apektado ng baha.
“I really feel a bit terrible also na wala ako doon, but I’m sure the local social action center there is helping out now, saka yung mga parishioners and the parishes are also trying to help, and as I am told this is also temporary nalang dahil the waters have already subsided,” bahagi ng pahayag ni Arsobispo.
Sa huli, binigyang diin ni Abp. Ledesma na sa ganitong mga pagkakataon ay mamayani at manatili sa bawat isa ang pagtutulungan upang maipalaganap ang habag at awa ng Panginoong Hesus.
“Dapat itong panawagan natin is really para sa lahat sa atin na maghanda tayo sa whatever calamities might happen again saka magtulungan rin tayo ngayon we can help all those badly affected by the recent flood. [I hope that] May the congress of divine mercy have a lasting effect dito sa Pilipinas,” pahayag ni Abp. Ledesma.
Kabilang din sa apektado ng baha ang Misamis Occidental, Camiguin islands,Iligan at Bukidnon.
Taong 2011 nang manalasa ang bagyong Sendong at magdulot ng matinding pagbaha sa Cagayan De Oro.