1,099 total views
Pumanaw na sa edad na 81 si Australian Cardinal George Pell sa Roma.
Ito ay kinumpirma ni Australian Archbishop Anthony Fisher.
Sa ulat, sumailalim sa hip surgery ang cardinal at nasawi dulot na rin ng komplikasyon sa puso.
Si Cardinal Pell ay ang dating arsobispo ng Melbourne at Sydney.
Naging pangunahing pinuno rin ng Holy See bilang economy minister ng Vatican simula 2014 hanggang 2017.
Kilala ang cardinal bilang religious conservative hero na nanindigan laban sa euthanasia, same-sex marriage at aborsyon na minsang tinaguriang ‘one of the greatest churchmen’ ni dating Australian prime minister Tony Abbott.
Taong 2017 nang magbitiw sa tungkulin sa Vatican upang harapin ang kasong pang-aabuso sa Australia.
Si Cardinal Pell ay nanatili sa kulungan sa loob ng 13 buwan at nakalaya nang mapawalang bisa ang kasong isinampa laban sa opisyal ng simbahan dahil sa kawalang sapat na ebidensya.
Itinuring ng cardinal na solitary confinement ang kanyang pagkabilanggo para sa kaligtasan habang mariing kinundena ang sex abuse sa loob ng simbahan na maituturing na ‘spiritual and moral cancer’.