Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dating pangulong Duterte, dahilan ng pamamayagpag ng POGO sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 26,765 total views

Isinisi ni Senator Risa Hontiveros ang pamamayagpag ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas dahil kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa pamamagitan ng defacto policy ni Duterte at ng mga kaalyado nito ay nakapasok ang POGO sa bansa na nagdulot ng maraming problema sa Pilipinas.

“Opo. Si Duterte po ang nag-defacto policy ng open doors sa mga POGO. Siya at ang kaniyang mga kasabwat. Tapos nagbunga ng napakaraming “ills” sa ating lipunan at hanggang ngayon, ito nga naharap tayo sa maraming masasamang epekto nito sa harap ng ating lipunan at ng kasalukuyang gobyerno hanggang ngayon,” ayon kay Hontiveros.

Ipinagtataka rin ng mambabatas kung bakit pinayagan ang POGO operation sa Pilipinas, gayung ilegal ito sa China, at naka-ban na rin sa Cambodia-makaraan ang pansamantalang pagpapatupad.

“Bakit kung ilegal at krimen sa ibang bansa bakit pinayagan sa atin,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi ni Hontiveros na sa apat na taong pag-iimbestiga ng senado sa mga POGO related issues ay nadiskubre ang mga isyu kaugnay sa human trafficking, money laundering at pagkakanlong sa mga kriminal na ngayon ay tinitingnan na rin ang isyu ng espionage, surveillance at hacking.

Sa nakalipas na imbestigasyon ng senado kay Bamban Mayor Alice Guo, hindi pa rin malinaw ang tunay na pagkakakilanlan ng alkalde, maging ang kanyang nationality, gayundin ang pagkaka-ugnay sa mga kriminal at hindi maipaliwanag na kayamanan at mga pag-aari.

Pangunahing layunin ng imbestigasyon in-aid of legislation kaugnay sa POGO operation na nagagamit bilang ‘cover-up’ sa iba’t ibang krimen, na naglalagay sa panganib sa bansa sa national security at transnational crime.

Sa tala ng PAGCOR, mayroong kabuuang 200 license to operate ang ibinigay sa POGO, 190 sa mga ito ay sinuspinde dahil sa mga paglabag, subalit may ilan ding binigyan ng provisional license.

Una na ring tinalakay sa Senado ang pagdagsa ng mga mag-aaral mula sa China partikular sa lalawigan ng Cagayan.

Ang mga pangyayari ay kasabay na rin ng patuloy na paniniil at pagtataboy ng Chinese Coast Guard at Chinese militia sa mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea-ang teritoryong bahagi ng pagmamay-ari ng Pilipinas ayon na rin sa UNCLOS at 2016 Arbitral Award.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 8,736 total views

 8,736 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 15,184 total views

 15,184 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 22,134 total views

 22,134 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 33,049 total views

 33,049 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 40,783 total views

 40,783 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Deceptive teenage pregnancy bill, tuluyang ng maiisasantabi

 535 total views

 535 total views Kumpiyansa si Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez na tuluyan nang maisasantabi ang tinawag niyang unconstitutional, deceptive teenage pregnancy bill makaraan na ring tiyakin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hindi pagsang-ayon sa panukala. Ayon kay Rodriguez, una na ring pinagtibay ng mga kongresista ang House version na promoting sex education and

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Prevention of Adolescent Pregnancy Act, ibi-veto ni Pangulong Marcos kapag nakalusot sa Kongreso

 1,388 total views

 1,388 total views Nagpahayag ng pagtutol si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang nilalaman ng Senate Bill No. 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Act of 2023. Sa isang panayam sa sa Taguig City, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na ang ilang bahagi ng panukalang batas ay hindi naaangkop o katanggap-tanggap at labis na nakakabahala.

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Madreng nagsusulong ng restorative justice sa mga bilanggo, pumanaw na

 2,557 total views

 2,557 total views Pumanaw na si Sr. Zeny Cabrera ng Sisters of the Holy Eucharist makaraang ang ilang araw na pananatili sa pagamutan. Ayon sa kongregasyon, pumanaw ang madre kaninang 5:10 ng madaling araw sa Commonwealth Hospital. Una na ring isinugod sa hospital si Sr. Cabrera noong Sabado ng umaga, makaraang atakihin sa puso na nakaapekto

Read More »
Economics
Marian Pulgo

Simbahan, palalakasin ang kooperatiba sa bansa

 2,666 total views

 2,666 total views Kasabay ng pagdiriwang ng Jubilee Year ng simbahang Katolika at International Year of Cooperative, ang panawagan para sa pagpapalakas ng pagtutulungan hindi lamang sa pananampataya kundi maging sa pangkabuhayan. Ito ang binigyan diin ni Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radyo Veritas at executive director ng Caritas Manila sa panayam ng Buhay Kooperatiba

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2025: Maging inspirasyon sa paglalakbay, pagpapalalim ng pananampalataya

 3,783 total views

 3,783 total views Tinatayang umaabot sa 18,000 deboto ang nakiisa sa pagdiriwang ng pista ng Poong Jesus Nazareno sa Cagayan de Oro City. Ayon kay Fr. Anthony Bagtong, SSJV-vicar ng Archdiocesan Shrine and Parish Jesus Nazareno Cagayan de Oro, ang mga deboto ay hindi mula sa kanilang lalawigan kundi maging sa iba pang mga lalawigan sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 4,257 total views

 4,257 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), bagama’t karaniwang ipinalilimbag ng Santo Papa sa pamamagitan ng Apostolic Exhortation ang resulta ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Pray for the sede vacante dioceses,”-Papal Nuncio

 4,823 total views

 4,823 total views Hinikayat ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalatayang Filipino ng higit pang pananalangin lalo na sa mga diyosesis na ‘sede vacante’ o walang nangangasiwang obispo. Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, bagama’t marami na rin ang napunan na diyosesis sa Pilipinas, may anim pang diyosesis ang sede vacante sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bagong Obispo ng Diocese of Cubao, pormal nang itinalaga

 15,547 total views

 15,547 total views Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City. Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Clergy for Good Governance, ilulunsad sa Immaculate Conception Cathedral

 16,742 total views

 16,742 total views Tatlong daang pari, kabilang ang 12 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ang lumagda bilang mga convenors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na ilulunsad sa darating na Nobyembre 29. Ang Clergy for Good Governance, na may temang “Maka-Diyos, Maka-Filipino”, ay naglalayong isulong ang mga prinsipyo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Kahinahunan, panawagan ng Obispo sa nagbabangayang Pangulong Marcos at VP Duterte

 13,652 total views

 13,652 total views Nananawagan ng kahinahunan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, kaugnay na rin sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa ilang pinuno ng pamahalaan, kabilang na ang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ikinagulat din ng obispo, ang mga binitawang salita ng bise presidente na aniya’y hindi naaakma sa isang mataas

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagpapanatili ng Rule of Law, panawagan ni Pangulong Marcos Jr., sa banta ni VP Duterte

 13,711 total views

 13,711 total views Nagsalita na rin ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga pahayag ni Vice-President Sara Duterte. Sa talumpati, binigyang-diin ng Pangulong Marcos, ang kahalagahan ng Rule of Law at ang pagtutol sa anumang uri ng karahasan o pagbabanta, kahit pa ito’y galing sa pinakamataas na opisyal ng pamahalaan. “Ito ay hindi dapat palampasin. Ang

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

 13,730 total views

 13,730 total views Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan. Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 14,250 total views

 14,250 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 14,294 total views

 14,294 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 14,419 total views

 14,419 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top