355 total views
Ipinagluluksa ng pamunuan ng Radio Veritas 846 ang pagpanaw ng batikang journalist at dating station manager ng himpilan.
Si Carmelo ‘Melo’ Acuna ay pumanaw ganap na 2:30 ng madaling araw sa Quezon City General Hospital dahil sa kumplikasyon na dulot ng novel coronavirus sa edad na 64.
Sa kasalukuyan ay nasa pagamutan din ang kanyang maybahay na si Jona dahil din sa Covid-19.
Kilala si Acuña bilang dating ‘news anchor’ ng programang Man-Mano sa Veritas, Veritas Metro, Saklolo Abogado at Pulis ng Pilipino.
Ang pumanaw na ‘news anchor’ ay naglingkod sa Radio Veritas simula 1994 hanggang taong 2008.
Naglingkod bilang director ng ‘online radio’ ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP); correspondent ng China Radio International at Asia Pacific Daily.
Si Acuña ay ipinanganak February 8, 1957 sa Alabat, Quezon.
Nagtapos ng pag-aaral ng Psychology at Mass Communications sa Ateneo de Manila University at Luzonian University Foundation.