232 total views
Nangangamba si Radio Veritas Anchor Rizalito ‘Lito’ David para sa kaniyang buhay at seguridad ng pamilya matapos siyang i-ugnay bilang bahagi ng ‘destabilization plot’ laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay David, ang ulat ay kanyang nakumpirma sa isang kaibigan mula sa ‘intelligence community’.
“This suspicion accordingly springs from my effort to endeavor the support of some groups to join us in a prayer vigil for reparation following the pronouncements made by Mr. Duterte about our God and our Catholic faith. A former congressman who was kicked out from his party, Akbayan, now a leader of one of the groups I sought fabricated a story that I spoke to him personally and that I was asking him to mobilize 20,000 people for an ouster effort,” ayon sa ipinadalang mensahe ni David sa Radio Veritas.
Paglilinaw ni David, nakikipag-usap siya sa iba’t-ibang grupo para sa isasagawang ‘prayer vigil and reparation’ bilang tugon sa mga pahayag ng pangulong Duterte na paglapastangan sa pananampalatayang Katoliko at walang kinalaman sa bintang na pagpapatalsik sa pangulo.
“I am sending you this message to make it known that I am going through a difficult time and that I wish to ask for your prayers for my safety and that of my family. I cannot fathom why efforts to bring about justice and humanity to our suffering people should be subjected to such threats of harm and perhaps even death. Again please pray that no harm will visit my family. Should any harm happen to me let it be known that it will only come from these people, the Duterte regime and its minions,” ayon pa kay David.
Si David ay ang host ng programang ‘Ang Turo ng Inang Simbahan’ sa Radio Veritas na napakikinggan tuwing Miyerkules ng gabi. Si David ay tumakbo sa pagka-senador noong 2010 at 2013 elections sa ilalim ng “Ang Kapatiran party.” Bago tumakbo sa pagkasenador nagsilbi si David bilang Senate staff nina dating Senators Francisco Tatad at Robert Jaworski.